Skip to main content

Kalikasandali

NAUNGKAT mo, Dax Cleofe, kung nagsusulat ako tungkol sa kalikasan. Kailangan. Dapat.

Technical paper para sa World Bank ang ipinasulat sa ‘kin nitong mga 1980, paglapat ng tinatawag na microclimate para sa paaralan, para angkop sa pagsasalin ng mga kaalaman ang iiral na lagay ng panahon sa paligid—hindi pa lumulutang noon ang mga usapin sa global warming, climate change, and anthropogenic-driven wreckage of environment.

Higit sa P10,000 ang tabo sa sinulat—malaking halaga sa panahong ‘yon. May naunang kita noong mga 1960 ukol sa ganoon ding kaalaman, P5 (malaking halaga rin para sa musmos na gaya ko noon) para sa sambigkis na tangkay at ugat ng makahiya na kinalap ko kung saan-saang parang… inilalaga pala ‘yon, iniinom ang pinaglagaan… ampat sa matinding agas-dugo ng bagong panganak na ina.

P10,000 o P5 man, there’s value that can translate to pesos and centavos out of intimate knowing of nature. Mas matindi nga ang ibang antas ng halaga batay sa feng shui, vastu at furyu… kapag malago ang paligid ng pamamahay, malago din ang pamumuhay… sa karaniwang gunggong na Pilipino, sasabihin agad na pugad ng ahas at lamok ang tahanan kapag maraming halaman at puno sa paligid…

Aba’y palpak na akala lang ‘yon ng gunggong. Marami nang bugok na natigok sa akala. Kung saan umiiral ang paglalapat ng kaalaman sa feng shui (China), vastu (India) at furyu (Japan), pansinin na todo-angat kaysa Pilipinas ang kabuhayan.

An’dali namang alamin kung anu-ano ang mga kaalamang ‘yon, para pakinabangan din natin.

Laro pa lang sa ‘yo ang taekwondo. Pero tiyak na nakabigkis din ang mga malalim na pamamaraan nito sa kalikasan, halimbawa’y taimtim na paglilimi—meditation. That can only be done with best results near a tree or a body of water… scientific explanation: negative ions that can recharge our bodies permeate the ambient air where there’s a stand of trees or where there’s moving water.

Punong akasya (Samanea saman or rain tree) raw ang pinaghahasaan noon ni Rep. Emmanuel “Pacman” Pacquiao ng kanyang kamao, hindi pa siya noon boksingero. ‘Yung punong akasya sa tabing bahay namin, ginawa kong makawara ang bulas, ipinaputol naman ng hindot na kalapit-bahay, makalat daw ang laglag na dahon… mas mabigat, mas malaki sa ‘kin ang katawan ng nagpaputol sa akasya—pero nagulantang pa nang buhatin ko siya pati kinauupuang silya (hindi ko naman ibinalibag o inilampaso)… hindi ibinunyag na sa akasya hinango ang ganoong lakas.

Pero sa feng shui, isinasaad na dinadaluyan ng lakas ng dragon at bangis ng tigre ang buong katawan ng punongkahoy… at hinahango ang bangis-lakas sa masinop na pagtatanim ng puno sa paligid ng pamamahay. It’s not an attempt to control the forces of nature, it’s an effort to harmonize with and harness nature’s energies.

Sa tulad mo na marami pang aalamin, matututunan sa taekwondo, isa sa mga pakay nito na maging sangkap ka rin ng kalikasan—ah, it’s not a striving to come to grips with nature, it is becoming one with, turning into a force of Nature…

By then, you become an act of God.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...