Skip to main content

There must be a phony somewhere (PJI editorial 27 June 2005)

FINDING himself in a house full of toys, one child infected with a terminal case of pessimism dragged himself into a corner, sulked, and let out a bellyache: “I can’t play with any of these, one or two will break sooner or later and I’ll feel rotten!”

Another kid oozing with optimism was locked in a stable full of horse manure—and he screamed with delight, “With all this shit, there ought to be a pony hidden somewhere here. It’ll be fun finding and riding it out of here!”

We’re probably up to our necks in dung these days.

But nobody has taken the pains to seek out the pony, cow, horse, mule, sheep, goat or any such dung layer to ride off and have fun. There ought to be people who’ll feed the stacks of manure into a sealed tank, turn out loads of natural gas to fuel cooking stoves, turbines, and automotive engines. There should be people brimming with a sense of humus—they’ll spread shit on impoverished soil then grow lush roses and nutrient-rich vegetables on that compost-enriched ground.

There has to be two or three mad scientists wallowing in the dung heap. They’re probably culling anthrax bacteria or any such exotic plague, multiplying colonies of the microorganisms, harvesting spores with an eye for global marketing of dirt-cheap biological weapons. Or, if they’re not inclined to sell or they’re too shy to compete with their foreign counterparts, they might do some decimation tests on the local populace or in high-profile government offices tabbed as bulwarks of graft and corruption…

So we overstretched our gone-amok imagination.

We’re just stuck. Maybe, we just love to wallow in dung.

Maybe we’re living in a nightmare and we’re enjoying the deep slumber.

It’s probably the national karma—whatever karma is. We’ve stumbled into certain passages from that antique book that explains what karma is. Karma is what one does and its backlash. Check out Manu samhita – literally, “laws of man” – that alleges one sixth of a nation’s karma is somehow rubbed off on the nation’s leader. That means the populace has to bear 5/6 of that lousy burden.

So let’s do crude arithmetic: Gloria Macapagal-Arroyo has to endure the brickbats hurled her way as she bears 1/6th of an unseen burden; bearers of the remaining 5/6th of the burden have had enough of her, they’ll just look for another to carry that weight.

Maybe our imagination has gone amok, it’s echoing something from Mahatma Gandhi who had pored over those Manu samhita texts: “You must be the change you wish to see. “

Maybe there’s a pony or two hidden in the dung heap that we could ride. Maybe there’s a pony or there are millions of phonies in this neck of the compost pile.

------------------------------------

Tiyak na may buriko

NATAGPUAN ng musmos na may madilim na pananaw ang kanyang sarili sa bahay na puno ng mga laruan. Nagmukmok siya sa sulok at nagreklamo: “Hindi ako makapaglalaro ng kahit alin dito, tiyak na may masisira, sasama lang ang loob ko.”

Paslit na umaapaw sa pag-asa ang ikinulong sa kuwadra na puno ng dumi ng kabayo—napahiyaw agad sa tuwa. “Tiyak na may nagtatagong kabayo sa bunton ng tae. Hahanapin ko. Sasakyan ko palabas dito!”

Baka tayo nakalublob na hanggang leeg sa likas na abono mula puwit ng animal.

Pero wala yatang naghahagilap sa kabayo, baka, kalabaw, buriko, tupa, kambing o kauring hayup para may masakyan papalabas. Dapat yata na may magkakarga ng mga dumi sa saradong imbakan, para makalikha ng gas na panggatong sa lutuan, sa mga turbina’t makina para umandar. Dapat yata na may mga masikap na kamay—ilalatag ang dumi sa mga nabaog na lupain, magpapatubo ng mga marikit na bulaklak o siksik-sustansiyang gulay.

Dapat din na may dalawa o tatlong baliw na kampon ng agham na nakalublob. Baka magsasala ng bakterya ng anthrax o anumang salot-pamuksa, magpapalago ng ganoong mikroorganismo, aani ng binhi niyon habang pinupuntirya ang pagbebenta sa pandaigdigang pamilihan sa biological weapons—o kung andap sila sa mga banyagang kakumpetensiya, baka subukin nilang puksain ang ilang milyon sa lokal na populasyon o ‘yung mga nasa tanggapan ng gobyerno na nabansagang balwarte ng kabulukan at pangungurakot.

Umalagwa yata ang aming imahinasyon.

Baka nakalublob pa rin tayo. Baka naliligayahan tayo sa paglublob sa dumi.

Maaaring lahat tayo’y binabangungot at nasisiyahan tayo sa pananatiling tulog.

Baka ganoon talaga ang ating karma—anuman ang karma. Nahapyawan na yata natin ang isang antigong aklat na naglilinaw kung ano ang karma—kung ano ang ginawa at ang sukli nito. Bungkalin ang Manu samhita—o “Mga batas-pantao” – na iginigiit na 1/6 ng pambansang karma ay sumasalin-salpak sa balikat ng pinuno ng bansa. Nasa balikat ng taumbayan ang 5/6 ng ganoong bigat ng dalahin.

Subukan nating magkuwenta. Dapat tiisin ni Gloria Macapagal-Arroyo ang mga ipinupukol na inidoro’t poso negro habang pasan niya ang 1/6 na bigat-karma. Ayaw na sa kanya ng sambayanang nagpapasan ng 5/6 na bigat-karma at naghahanap ng bagong pagpapasahan ng pasan.

Naghuramentado na yata ang aming imahinasyon, nauulinig tuloy ang nawika ni Mahatma Gandhi na pumasada na sa mga nakasaad sa Manu samhita: “Ikaw ang dapat maging pagbabago na nais mo.”

Baka may nakatagong buriko sa bunton ng dumi para masakyan palabas. Baka naman milyun-milyon ang buriko na nakasubsob lang sa bunton ng tae.



Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...