Skip to main content

Karma

KATAGANG ugat na Sanskrit ang pinagmulan ng salitang “karma” – mula sa kri o “gumawa.” Sa katuturan ng karma mas mauunawa: matimbang pa rin at higit na tumataga ang gawa kaysa ngawa.

Nag-iiwan ng malalim na gatla sa karakter ng pagkatao ang gawain. Sa gawaing sinimulan, matutukoy ang naghihintay na kapalaran. Matitiyak pati ang kinabukasang patutunguhan.

Nahuhubog sa pinagsama-samang gawain ng mga mamamayan ang karma ng bansa. May pambihirang lakas ang sama-samang gawa. Pumapanday sa kasaysayan. Nagtatakda sa kahihinatnan ng sambayanan, pati ng mga susunod na salinlahi.

Tiyak ang bunga ng bawat gawa: masasabing tatlong ibon ang sapol sa iisang pukol. Bawat ginawa -- mabuti man o masagwa -- tatlong bukol ang nakatakdang gantimpala. Tatlong isda ang huli sa lambat ng bawat gawa.

Una: Kung ano ang ipinunla, iyon ang matatamasa. Magtanim ng masamang hangin, utot ang aanihin, mwa-ha-ha-haw!

Ikalawa: Iginagapos ng isinagawa ang ulirat (kamalayan o consciousness) sa walang humpay na daloy ng mga susunod pang gawa at mga kalakip na ibubunga nito. Kung ginhawa, tuwa, ligaya, pagmamahal ang tanim, ganoon ang aanihin; kung dusa, sakit, pambubusabos, kamatayan at sama ang isinuksok, iyon din ang madudukot.

Ikatlo: May latak na tumatatak sa utak. Humahawa sa katawan, pati sa kaluluwa. Delikado ang mga hindi kanais-nais na emosyon. Tulad ng galit, inggit, takot, poot at inis na kasanib sa aksiyon. Nag-iiwan ang ganito ng mga binhi ng samut-saring sakit at karamdaman. Kadalasang uusbong at yayabong ang ipinunlang kamandag sa kung saan-saang bahagi ng katawan. Karaniwang sa bato, atay, puso, ulo, sikmura, at tuhod.

Mababanaag ang karma o pinagkakaabalahang gawain ng sambayanan mula sa lumililitaw na top three killers sa Pilipinas -- cardiovascular diseases (sakit sa puso), cancer, at coronary stroke (kaugnay na sakit sa puso). Sa pananaw ng medisina, lifestyle diseases daw ang mga ito. Mga karamdamang nag-ugat sa gawi ng pamumuhay. Maraming naging talamak sa pamumuhay ng Pinoy.

Ubra ding sipatin ang paglaganap ng mga ganyang karamdaman sa punto ng karma o ginagawa ng sambayanan. Umiiral pa rin ang ang galit, inggit, takot, poot at inis. Naging bahagi na ang mga ito sa pamumuhay ng sambayanan.


Nakalkal natin sa isang sinaunang akllat mula India, ang Manu-samhita: sumasalin sa pinuno ng bansa ang ika-anim na bahagi ng kabuuang karma ng sambayanang pinamumunuan. Simple lang: the President gets one-sixth of the total national karma, including joyous or heinous effects. Mas lamang ang parusa.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...