Skip to main content

Salpak pasador

KABUNTOT sa pagsiklab ng Yom Kippur War sa mga huling buwan ng 1973, tahasang nalumpo ang transport sector ng bansa.

Nadamay ang Pilipinas sa pagsagupa ng Israel kontra mga kapitbansa nitong Egypt at Syria: mula P0.10 por litro – opo, dalawa singkong duling lang—ng krudo, iglap na umigkas hanggang piso sanlitro. Napakamahal pero walang makaangal ni makaatungal.

Nagpataw kasi ng embargo ang oil-producing nations para lumuhod at lubusang gumapang ang mga bansang pumapanig sa Israel. Hindi sila nagbenta ni sampatak na krudo sa mga ganoong bansa habang patuloy sa pagtindi ang pakikipag-upakan ng Israel sa mga kapit-bansa nito. (Konti man ang sandatahang lakas ng Israel, angat lagi sa salpukan kaya maitatampok muli ang usaping quality vs. quantity population, refined skills vs. numbskulls na usapin hanggang ngayon sa Pilipinas.)

Mahal na ang produktong petrolyo, wala pang maapuhap na mabibili. Mahigit sangkilometro ang pilahan ng mga uhaw na sasakyan saanmang gasolinahan. Kung mayroon mang dumating na panrasyon, tasado sa limang litro bawat sasakyan—bawal mag-full tank.

Naging Pilapinas ang bansa sa ganoong yugto ng kasaysayan.

Pila sa pagbili ng bigas ng dating National Grains Authority (NGA na muntik maging “To All, No Grains Available” o TANGA). Pila sa serye ng pelikula ni Shintaru Katsu bilang “Zatoichi, The Blind Swordsman.” Pila sa pelikulang bomba ni Merle Fernandez at kung sinu-sino pang mahilig magpakita ng ipakikita’t pinagnanasaang nakikita para todo-kikitain.

Taranta ang bansa. Natuliro. Pinatulan ang alok ng China na Shengli crude—na nang maisalang sa dalisayan, pulos alkitran at liquefied petroleum gas ang kinalabasan. Nanikluhod pati kay Col. Moammar Khaddafy ng Libya para may maipantustos na panggatong sa mga hilahod-sa-uhaw na manufacturing at power producing plants sa Pilipinas.

Sapat na marahil ang ganitong litanya ng nakalipas na penitensiya upang mahalukay-ube sa kokote ang mga lider sa public transport sector ng bansa. Sabi nga, it takes a great mind to grasp great things; a small mind can barely grasp its smallness.

Noon man hanggang ngayon, hindi natin marerendahan pababa ang umaalagwang presyo ng krudo. Pandaigdigang dahilan ang nagtatakda ng presyo ng pandaigdigang bilihin sa pandaigdigang pamilihan.

Maidadagdag na wala pang 1% ang Pilipinas sa kabuuang mapagbebentahan ng mga produkto de krudo sa buong mundo. Kaya kahit na itodo ang alburuto, ngawa, ngalngal, at tigil-pasada, matigmak man sa laway ang mga lansangan hindi papansinin ni diringgin.

Isama sa tuusan na pinalis na ng Republic Act No. 8479 (Downstream Oil Industry Deregulation Law) ang isang takda. Na kailangang mag-imbak bawat oil company, kooperatiba, tindahan, gasolinahan o kahit na sinong herodes ng hindi bababa sa 90 araw na pantustos na produkto de krudo sa pamilihan.

Wala nang itinatakdang imbak para itustos sa pamilihan kaya nag-iingat naman ang mga umaangkat ng bultong produkto de krudo sa malikot-sa-aparatong paghuhuramentado ng palitang piso-dollar. Sagpang ng dollar (na pambili ng krudo’t produkto de krudo) kahit ilang sentimo lang ang pagbaba sa tumbas ng piso.

Samantala, wala namang palatandaan na sisisid ang halaga ng krudo saanmang panig ng mundo.

Nakaregla pa ring bubulwak sa higit pang pag-angat ang presyo ng krudo. Hindi maampat.

Pasador ang gamit ng kababaihan nitong panahong hindi pa uso ang sanitary napkins. Sa larangang krudo, madugo pa rin ang makikitang hinaharap—tinatayang 60 taon na lang bago masaid ang imbak na krudong makakalkal saanmang sikmura ng mundo.

Sa ganyang kalagayan, walang latoy na tugon sa hinaharap ang tigil-pasada.

Mas angkop yata ang magtipid at iwas-laspag.

Salpak pasador muna.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...