Skip to main content

Balik-tanaw sa SARS

CARABAO Beach ang tawag ng mga paslit sa malaking ukab ng lupa - likas na rainwater catchment basin. Lawa sa buhos-unos mula Mayo hanggang Disyembre.



Tapunan ng bangkay aso-pusa-manok-daga. Pistahan ng uod at langaw. Pagkaing panis doon din ihahagis. Pamansingan ng dalag, hito't tilapia. Pamantasan ng kuhol at susong amakan. Nasasagapan ng hipong tagunton. Kangkungan. Libliban ng digman. Lubluban ng kalabaw.



Lubluban din ng mga musmos. Hindi nandidiri ang kawalang-malay sa samut-saring mikrobyo at mumunting organismo - pati lisaw ng kiti-kiti't linta, daphnia, punla ng mga tutubi't palaka -- na kahalubilo sa masayang lublob-lunoy sa Carabao Beach. Nasa isang gilid iyon ng Palmera Springs, isang middle-class subdivision sa Camarin, North Caloocan City.



Mayumi ang dagundong-tibok ng buhay sa Carabao Beach. Kasaliw ng kantiyaw-iyak-tawa-hiyaw ng mga paslit. Sa tampisawang iyon, yakap na nagsasaya't sayaw ang mga mikroorganismo't makroorganismo. Magkasuyo sa pagniniig: makrobyo at mikrobyo.



Pardon the poetry. The technical term for the devil-may-care trysts at that carabao wallow-cum-dumpsite is interface. It's a swallow of that wallow.



Itaga ang kataga: interface. Communion. Dump there morbid fears about contagion of waterborne diseases or other lethal threats to health and wellness. Intra-species interface is carefree yet intimate. Call it all-out knowing of the wee other, and another, another, another... ad infinitum.



Siyempre, mayroong hamon sa ganoong pakikiugnay-niig. Makakaya ba ng iyong laman ang mga isasalin na bagong kaalaman? Ganoon kasi ang diwa - mula Sanskrit na deva o divinity, bathala - na umiiral sa bawat interface. Isasalin sa laman ang kaalaman. The shared intimacy engenders immunity. It's the sort of gaining information to touch off meaningful transformation.



We're the stuff of ashen stars, pahiwatig ng Miercoles de Ceniza. Huwag matakot, makikalabaw, mwa-ha-ha-haw! Ilublob-lusak ang katawang mula bituing burak.



Terminate and destroy ang karaniwang tugon sa bawat tangkang makiugnay ng mikrobyo. Sa umiiral na pananaw, laging utas ang panlutas - no quarters asked, no mercies given to the least of Creation.



Pinakamatingkad na halimbawa: puksain ang mikrobyo na sanhi ng dinamita sa kili-kili - kaskasin ng tone-toneladang Axe ang katawan para meron pang kantaritas side effect na umaakit sa mga palabang pekpek, mwa-ha-ha-haw!



Isa pa: ugaliing hugasan ang kepyas ng branded vaginal wash upang mapalis ang halimuyak bagoong Balayan at samyong bagoong Pangasinan. Napakasarap na sawsawan. Hindi pagsasawaan.



The pharmaceutical industry - with lots of pandering from advertising and medical diagnoses -- shaped consumer perceptions to their liking: may panlabang medikasyon at pampuksang remedyo sa bawat amuyong na mikrobyo na sanhi ng samut-saring sakit at karamdaman. We're on a perpetual war footing against disease: do unto others before they do it unto you. "Bawal magkasakit."



I believe in Life - in its wondrous dance of biochemistry and genesis. I use no deodorant -- I reek with the passions in abandon and abundance with tenderness of odorous sex.



Now, "severe" and "acute" are synonymous. The grammatical redundancy in Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) is something to sneeze at. Talagang hawa-ha-ha-ha!



Kamukha yata ni Shredder -- mortal na kaaway ng Teen-age Mutant Ninja Turtles - ang taumbayan mula sa Buddhist nations na tila naging instant convert sa fundamentalist Islam. Naka-chador sila - nearly every man, woman and child.



Bawat mukha ay naging kuhol na may talukap.



Wala pang lunas - basa: pang-utas -- sa virus na mitsa ng SARS. To a microbiologist like me, every virus is a piece of runaway genetic information, having the same G, A, T, C code - tagakataga pa rin.



Not friendly, not hostile, they're information that begs for ingestion into our systems, at the deep-down genetic level. Such life forms are so wee tiny, it's easy as pie for 'em SARS virus to sneak through those anti-sneeze masks that have become fashionable these days. I'm saying that those masks are useless facial props.



I could be wrong: the SARS pestilence is an ingenious conspiracy designed to gain mountains of moolah for those mask-makers. Afghanistan's Wahabi fundamentalists could be behind this low-key sales tack, pwe-he-he-he!



So, everybody - with mindsets moulded on a perpetual war footing vs. microorganisms, sweepingly tabbed by the pharmaceutical industry as hostile agents of death and disease - plays the cartoon character, pumped up with morbid thoughts of SARS.



Whew! Masuyo tayong magbalik-tanaw sa Carabao Beach - a teeming, thriving, living cocktail stew of bacteria and viruses that maybe as lethal as SARS. It's a living pool of life in its myriad forms and guises. Maalinsangan ang Abril - magdiriwang ng kaarawan sina Bilog, Podying, Puwit (my beloved kids), GMA at Erap sa buwang ito ng liyab-lupit at alab-kariktan - kaya maraming musmos na naglulublob-lunoy doon.



Sa Carabao Beach: huwag matakot, makikalabaw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...