Skip to main content

Poison juices/Katas pantodas (PJI editorial 27 April 2005)

UNDUE strain on renewable resources is something to weep about. Take the underground water reservoirs—the so-called aquifers-- in which subdivision developers drill down into to pump out fit-to-drink water.

Chew this over and hold to your breakfast. Each household uses up 2-3 cubic meters of freshwater a day while it takes a tree one year to replenish a cubic meter of rainwater back into the aquifer. Most real estate developers and subdivision residents don’t bother with such tough equations as striking a balance between growing demand and sustained capacity of aquifers to provide freshwater.

In all likelihood, the once-untapped contents of a subdivision’s underground water reservoirs are used up in just a few years. Even so, Nature detests operating in a vacuum and will find a way to keep the reservoirs filled in with anything handy, anything liquid and juicy that will seep down through layers of soil and rock.

Residents of shoreline areas are not at all surprised pumping out brackish or salt-tasting water from their deep-wells. Once freshwater in coastal aquifers are used up, saltwater oozes in. The process is irreversible.

Further inland, the ubiquitous septic tank in every subdivision household ought to provide ample fluids to grow in zillions of microorganisms—from anaerobic types that release methane and similar gases fit to use as fuel to such deadly types as Clostridium botulinum and E. coli.

Yeah: compressed natural gas (CNG) that can run car engines or provide a dirt-cheap alternative to liquefied petroleum gas (LPG) can be culled off a pozo negro.

C. botulinum and E. coli hogged the day’s headlines. Over 130 people were downed the other day by the former in Pangasinan while a lawmaker’s comely daughter fell dead to the latter.

In all likelihood it’s the ubiquitous pozo negro that’s been giving fluid replenishment to sapped-dry underground water sources. Blame undue population strain on a renewable resource. Blame shoddy environmental planning. Blame ignorance. Blame usual suspects.

In the next few weeks, the rich stew of sludge and sewage that seep their way into coastal waters will touch off a population explosion of sorts in saltwater-dwelling algae. The sea turns red. So there’ll be red tide. A few deaths here and there from paralytic shellfish poisoning ought to make it to the news.

We can toss the blame on having too much of Malabanan juice.


------------------------------------------------------
Katas na pantodas (*Filipino translation)

TODO piga ang natatamasa ng ating mga likas na yaman. Halimbawa ang mga bukal ng tubig sa kailaliman ng lupa—ito ‘yung tinatawag na aquifer – na kakalkalin, sasalpakan ng tubong deepwell ng real estate developers para mapagkunan ng tubig.

Pag-isipan ‘to kahit sisikad ang sikmura. Lalaspag ng 2-3 cubic meter ng tubig ang isang pamilya sa isang araw samantalang aabot santaon ang isang puno para maipanumbalik sa aquifer ang 1 cubic meter ng tubig. Hindi na nasisipat ang ganitong pagtimbang ng mga bagay-bagay para magparehas ang pangangailangan sa tubig at ang kakayahan ng lupa na magtustos ng tubig.

Madaling maunawa na sa loob lang ng ilang taon, tiyak na said na ang imbak na tubig na hinuhugot sa kailaliman ng lupa. Pero kikilos at kikilos ang Kalikasan para punuan ang kawalan ng kahit na ano, kahit na anumang likido o katas na padadaanin sa salaang lupa at batuhan.

Sa mga lunan na kalapit ng tabing-dagat, hindi na magtataka kung tabsing o alat na ang tubig na inilalabas ng kani-kanilang poso. Kapag nasaid ang tabang na tubig na imbak ng coastal aquifer, tiyak na aagas doon ang tubig-alat. Hindi ito mapipigil.

Sa mga lugar na malayo sa tubig-alat, ang poso negro ay nagtataglay ng kakayahan para magpalago ng sandamakmak na mikroorganismo—mula sa uring anaerobic (hindi kailangan ng hangin para huminga) na lumilikha ng methane at iba pang gas na magagamit na panggatong, pati na ang mga mapanganib na uri na gaya ng Clostridium botulinum at E. coli.

Magagamit ang compressed natural gas (CNG) mula pozo negro bilang gatong sa makina ng sasakyan, ubrang pamalit din sa liquefied petroleum gas (LPG).

Naging tampok sa balita kamakailan ang C. botulinum at E. coli. Mahigit 130 katao ang pinabagsak ng una sa Pangasinan samantalang isang marilag na anak ng isang mambabatas ang kinitil ng huli.

Malamang na katas mula pozo negro ang tumatagaktak at sumasalin sa mga tubig-imbakang aquifer. Sisihin ang sobrang siba ng populasyon sa tubig. Sisihin ang palpak na plano o environmental planning. Sisihin ang kapos na kaalaman. Sisihin ang mga dati nang suspek.

Sa mga susunod pang linggo, ang tagas ng mga pantodas na katas ay magpapalago sa samut-saring mikrobyo sa bahaging tubig ng aplaya. Magkukulay pula ang dagat. Red tide ang tawag. May ilang masasawi sa paralytic shellfish poisoning—tiyak na magiging laman ng balita.

Sige na nga, sisihin ang sobrang katas na pantodas sa ating mga kabahayan.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...