Skip to main content

Konti pang praktistis


TATLO daw ang mga kinagigiliwang gawi o habit sa araw-araw ng mga bilyonaryo: (1) Magsanay ng katawan, (2) “Follow your passion, (3) Read. A lot. At least two hours a day, but many said they read four or more hours a day.

Kaya naman sigurong gayahin—monkey see, monkey do. Baka nga maging tuso tulad ng matsing na napaglalalangan din paminsan-minsan. At makapulot ng sanrekwang diskarte mula kung anu-anong aklat, libro’t tomo (ladies’ drink yata ang katumbas ng toma bago tamaan ng lindol at aftershocks, shaken, not stirred)…

It’s quite tough to read between the lines or between the thighs. Talagang pagpapawisan nang malapot… lalo na kung higit nga sa apat na oras na magbabasa—does that last word translate as reading or inundating?

Halimbawa’y “know yourself, know the enemy; in a hundred battles, a hundred victories.” Parang Sun Tzu din ang tagubilin ni Socrates—“know yourself, the unexamined life is not worth living.

O ‘yung giit ni microchip pioneer Gordon Moore noon pang 1965… “The capacity of computing power contained on a single microchip will double every two years. As computing power doubles, its cost will decrease to half as much.”

Sa makinilya nagbuno ng term papers and thesis sa loob halos ng dalawang dekada. Sa pagpasok ng bagong dantaon, nakasantabi na ang makinilya… computer na ang gamit na alipin sa pagsusulat, pananaliksik, pati paglalaro’t paglilibang. Mas maginhawa na ang gawain, lalo sa professional knowledge worker.

Aakalain bang ang kagaya ni Joey de Venecia III—tumatakbo ngayon sa Senado, iboboto ko-- na noong 1965, telephone switchboard operator ang naging summer job sa isang gusali sa Makati… rotary dialing system pa ang mukha ng telepono noon… so he followed his passion over the years, nagnegosyo, nakapaglatag ng computer-based national broadband network sa ilang bansa sa ibayong dagat… pero nasilat lang ang proyekto sa Pilipinas dahil sa multi-bilyong tong-pats ng mga hayok—bang broads lang ang alam ng mga kupal na ‘to-- na kampon ng Malacañang?

‘Tangna, diskarte sa pamumuhay ng kalapit-bahay ang pilit na sinusuri’t inuuri ng mga matagal nang bangkay… talagang walang kabuhay-buhay ang mga gunggong.

May kahirapan kasing mag-unat-unat, mag-inat-inat sa isipan at utak—lalo na kung wala ka pala noon, mwa-ha-ha-haw!

Mas madali ngang pandayin at ihasa ang katawan sa kung anu-anong gawain… neither rust nor dust settles on a blade constantly honed.

Kahit na baryanaryo pa lang, madaling gayahin ang gawi ng mga bilyonaryo upang tahasang masupil ang kahirapan: (1) Magsanay ng katawan sa gawain, (2) “Follow your passion, (3) Read. A lot. At least two hours a day, but many said they read four or more hours a day.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...