Skip to main content

Distancia amigo


KARANIWANG nakasupalpal nitong dekada 1960-1970 sa tapalodo ng jeepney ang ganoong tagubilin—distancia amigo.



Sa matinong pagmamaneho kailangang dalawang segundong takbo o katumbas ng kahit apat na sasakyan ang nakapagitang layo. Sapat na raw ang ganoong puwang—ayon sa mga motoring safety experts upang makaiwas o makakuha ng buwelo ang nakabuntot sa iglap na sakuna.



Nakahiligan yata ng mga nagmamaneho sa kasalukuyang panahon ang bisyo ng mga taga-Sodom. Kaya salpak-palpak sa wetpaks, kahit hindi buhol-bulbol ang trapiko.



Suki” ang tawag sa ganoong kritikal na agwat sa karatedo, aikido, at kendo. Sasablay sa ganoong puwang ang taktika, tiyak mabibigwasan, hindi maiiwasan ang disgrasya. Parang magkatutok-buntot na mga sasakyan o halos magkakadikit na mga domino—kahit isa lang ang laglag, daming damay sa pagbagsak.



Tama talaga ang isang guro ng geopolitics, Karl Haushofer. Natukoy niya ang katuturan ng lebensraum or living space:



Space is not a vehicle of power. It is power.”



Kahit hindi na mahawa sa kapangyarihan na isinasalin ng kalawakan—mas mahirap nang madamay sa sunog sa gitgitan ng mga hampaslupang pamamahay; mahirap nang makasagap ng alingasaw ng mga kagitgitan sa MRT; nakakapikang madukutan o malamutak ang suso’t tumbong sa siksikan; masakit mahawa sa kagunggungan o anumang sakit ng mga pilit isinisiksik ang sarili sa buhay ng iba…



Batay sa mga naturang halimbawa, hindi po kami naging tagahanga ng mga likhang sining daw nina Tam Austria at Jeff Dizon—na pawang nanggigitata sa anumang iguhit sa lona. Kaya walang nangahas na maghandog sa amin ng kanilang obra.



Ganoon din ang dahilan kaya isinusuka naming ang mapapanood sa TV—pulos nanggigipalpal sa mga nakasupalpal na detalye, hilatsa’t katawan ng tao sa bawat tagpo. No breathing space, living space or power space—kaya hindi rin kami makahinga nang maluwag, parang laging sinasakal kahit nakatunganga lang sa palabas.



Para bang sinalaksakan ng sambatyang pagkain ang lalamunan ng miron… tiyak na hindi makakalunok ni makakalulon. Tiyak na masusuka. Even visual information has to be taken in small doses, in bite-size chunks.



Maidudugtong nga sa natukoy ni Haushofer: “Space is power, lack of it is impotent weakness.”



Sa mga pumalaot saanmang karagatan ng bansa nitong nagdaang mga mahal na araw, sana’y nadama ninyo ang kaloob na kapangyarihan ng kalawakan.



Sa mga nagtungo sa mga ulilang aplaya’t pampang ng lawa o ilog upang magmuni-muni, tiyak na sumalin sa inyo ang taglay na poder mula sa pinuntahang kalawakan.



Sa mga nagsadya sa mga naghuhumiyaw na lawak ng talahib at kugon sa tuktok ng mga bundok, tiyak na nasagap ninyo ang kapangyarihang isinasalin ng ganoong malayang latag ng lupain at papawirin.



Yeah… deep, vast spaces nurture a profound sense of perspective.




Kikitid ang isip, bababaw pa ang unawa sa sikip.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...