Skip to main content

Pagsisino at pagsisinop

NAKAUGATsa ating wika at kultura ang matinding pagtutol sa pag-iral ng national ID system.

Nasisiwalat sa wika ang mind-set o kaisipang umiiral sa ibang bansa. Sa Español, bukambibig na gamitin sa pag-ungkat sa ngalan ng kausap ang “Como se llama?”. Ang tuwirang katuturan nito: “Paano mo tinatawag ang iyong sarili?”

Marahil, mas matimbang sa kultura na nagsilang sa ganoong wika ang pagkilala ng indibidwal sa kanyang sarili kaysa pagturing sa kanya ng karamihan. May pagkiling at pagkalinga sa self-realization, sa self-made na mga nagtagumpay. May paghanga at respeto sa may kusang palo at pagsisikap, sa sinumang pangahas na igiit ang kasarinlan ng sarili.

Karaniwang bansag na mas mapanira kaysa mapanuri ang pagbibigay-pangalan natin sa ilan—halimbawa, Huwang Pilay, Goriong Kirat, Leon Kilat… Ang pagturing na ito’y nagpapatingkad ng kapansanan kaysa kakayahan ng indibidwal.

Pansinin na nakabaong moog at muhon ang katagang “sarili” sa katagang kasarinlan, independence o freedom sa Ingles.

Hindi tayo nagtataka sa kadahilanan kung bakit nilapatan ng ibang pangalan ang ating pambansang bayani. Realonda ang apelyido ng kanyang ina. Mercado naman sa ama. Kilala natin siya sa inihayag niyang pangalan—Jose Protacio Rizal.

Sa naunang yugto ng pananakop ng mga Español, nilapatan ng apelyido ang mga Indio batay sa kanilang rehiyon at lalawigan. Paraan ito para masubaybayan ang kanilang paglikas at paglipat-lipat ng tirahan, maging ang kanilang pagkilos.

Nakatikim na rin ang nakapataw na ID system sa panahong iyon ang sambayanang Pilipino. Cedula ang taguri sa naturang ID.

Ngitngit na pinunit nina Andres Bonifacio at mga anak ng bayan ang kani-kanilang cedula bilang hudyat sa himagsikan. Hudyat ito para igiit ang kasarinlan.

Pansinin muli na nakabaong muhon ang katagang “sarili” sa salitang kasarinlan.

Ang kalayaan ay may kinalaman sa ating kakayahan na bigyan ng pangalan ang ating mga sarili ayon sa ating pagtuturing.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...