MALINAW ang inihayag na dahilan ng nakausap na kawani sa Dairy Training & Research Institute (DTRI) ng UP-Los BaƱos: kulang ang gatas mula sa kanilang bakahan kaya wala silang magawa’t maipagbiling puting keso.
Nakasanayan nating gamitin bilang sangkap sa samut-saring ensaladang gulay ang kesong puti. Ilang himay na ulo ng letsugas, ilang hiwa ng kamatis at pipino, pinong gayat ng luya’t lasona saka tipak-tipak na kesong puti—maringal nang katambal ng kahit tinapang Salinas. Sapak sa sinaing na tulingan o tambakol, kahit sa inihaw na hito o bulig. Kahit lang sa hawot o tunsoy na tuyo. Kahit pa sa roast lamb chops.
Madalas na simutin ng mga anak ang kesong puti. Masarap kasing palaman sa hot pandesal. Maituturing na kabilang kami sa mga masugid na tumangkilik ng kesong puti mula DTRI sapul nang P20 sambalot ang presyo nito. Mga P35 na ngayon. Wala pang mabili.
Nailuwas na hanggang Metro Manila ang kesong puti ng DTRI nitong ilang huling taon ng dekada 1980. Madali nang
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.