Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2010

Bigas?

JENNIFER Lopez na may katikim-takam na hugis ng tumbong—‘yan ang maiisip kapag naungkat ang big ass . Idagdag na rin—Charice Pempengco. Scuttlebutt has it-- or I must have misheard totally since I’m a Def Leppard fan—she was having some buttocks injected into her face. Why the most tempting portion of Jennifer Lopez’s anatomy has to be plunked onto her face, such facial reconstruction left me aghast, ah, farting is such sweet sorrow… Paurong na talaga ang takbo ng, uh, thoughts… on beauty as its own lame excuse for being—we’re not going forward, all such vain attempts at beautification can only point to sodomy… even accountants and auditors don’t have in their word stockpile anything about rear entries. O tempura, o mores ! (Yeah, faces back then could launch a thousand ships and paper boats that can sail up to the Palace by the Pasig, butt are now dredged with shrimps. We’ve become the butt of jokes.) Sumisingaw pa sa mga balita na, talagang kahindik-hindik, nabubulok lang daw ang big...

Gunita sa pawikan

NAGSIMULANG sumansang ang bangkay ng pawikan, napadpad sa pampang ng Bolinao nitong nagdaang tag-araw, walang gumalaw, walang nangahas na ibaon man lang sa buhanginan. Apat na pirasong talukap sa likod nito ang tinungkab ko… tulad sa sungay-kalabaw.. magagawang payneta, sinaunang ornamental comb . Malakas pa naman pala ang gagap at pulso… kisap-mata sa baklas ng tila nakalapat na yero sa sunong na bahay ng pawikan… napansin kasi na parang mula limbag-kahoy o ukiyo-e ng henyong Katsushika Hokusai ang mga guhit na nakalagda sa bawat talukap, kawangki ng sunod-sunod na sugod ng mga alon ang anyo… in feng shui, wavy lines in design motifs can bring money and opportunity. Ah, a sea denizen can be taken out of the depths, but the depths have left palpable hallmarks and stays in such a denizen. Hindi ko na pinakialaman ang tuka... kawangis ‘to ng pagong sa tabang na kapag isinagpang, mag-iiwan sa pinagsagpangan ng bahagyang pamumuo ng dugo. Na hugis puso! ‘Yun ang tunay na love bite -- may i...

Lagay ng panahon

PAGLALAKBAY ng kalakal at balana, pangisdaan at pagsasaka—sa mga marahas na pihit o mahinahong usad ng panahon nakasalalay ang mga ito. Hindi mga larong pagsusunugan ng utak o taltalan sa Facebook ang may pinakamalaking bulto ng naghahalungkat sa Internet — lagay ng panahon ang talagang inaalam… ‘hirap kasi sumalunga sa buhos ng unos lalo’t sa bahaging bundok maglilipat-puno o pananim… ‘hirap magpalipad ng saranggola o kahit barko sa halihaw ng bagyo. Hindi naman pala dapat umasa sa PAGASA —mas asenso pa nga ang “ Eat Bulaga ” na may domestic satellite para maikalat at ipaalam saanmang lupalop sa Pilipinas at kanugnog na mga bansa ang wasiwas-balakang at yugyog-niyog ng EB Babes … aba’y makikita halos araw-araw na binabayo yata ng bagyo ang mga naturang tagasayaw. Kaya naman mas tinatangkilik, marubdob na sinusubaybayan ng mga miron saanmang kuyukot at kili-kili ng bansa ang naturang palatuntunan kaysa maayos na paglalakbay, pangisdaan at pagsasaka. Kaya naman dumadagundong ang katkat...

Ganid

POOR bloke had the rotten luck of getting hitched to a Filipina guttersnipe whose creed was greed. She solely drooled after the choicest portion of the male anatomy below the waist—his wallet. The ending to the marriage rite for the Doolittle couple had the bride keeping the flowers and throwing away the groom—and honeymoon bed went to worse as groom turned gloom… he was thrown in jail, oh, curses! Barry Doolittle is still in the calaboose, poor American who fell in love with the Philippines… trudged through a tough course to be naturalized as a Filipino, taught Netizens on web design and development… amiable fellow but it looks like his Filipino friends and erstwhile students in computer know-how have deserted him. Unlike ex-Basketball Association of the Philippines official Graham Lim who had munificent friends the likes of businessmen Benny Antiporda and Jerry Yap—they spent a tidy sum to bail him out from incarceration at a Bureau of Immigration and Deportation cell—Doolittle found...

Pagpuksa ang paksa

SA isang banatan, lima ang tumumba sa buga ng tingga ni Ka Abner Afuang… pero may mas iba pa palang nautas sa higit na naunang mga karanasan bilang pulis-Makati, noong Nemesio Yabut pa ang alkalde, naikuwento niya. Nagkita kami sa Intramuros, tutuloy sana sa tunggaan… pero mas nag-iingat na si Ka Abner sa traydor na tambang ng low density lipoproteins or bad cholesterol . Kaya nagsalo na lang sa katas ng kahel na sangkatutak ang lamukot upang mailabas sa katawan ang labis na kamandag. Na mas matindi ang panganib. Tukal o water lily ang pakay ko. Nabanggit niyang nagtusak ang ganoon sa kanyang bakasyunan sa Pagsanjan (tumakbo siyang muli bilang punong-bayan doon, hindi raw maatim na mambraso kaya hindi nanalo), kung may panahon… ubrang sadyain. Magbungkal at mag-uwi ng tukal. Hindi ko nabanggit na mas matindi ang ginagawa niya. Fasting o ayuno na parang Indira Gandhi, Gautama Buddha o Hesukristo—pero hindi na kailangan pang maghalang ng mga kartelon at bandila upang maihayag ang sikla...

Haplos

“Being deeply loved by someone gives you strength…” Lao Tzu HIGIT sa tig-sandosenang yakap at haplos sa dalawang apo— a dozen hugs a day ensures inner well-being and growth plus revved up powers of the immune system, so findings show. Tinatakalan din ng ganoon ang mga alagang aso’t pusa at lupa… pati mga itinanim na kawayan, balite, kakawate… siyempre lalo na sa katalisuyo, may itinatanim ding muhon matapos ang masinsinang pagsusukat-sipat. It took psychoanalysis to figure out how the tactile gesture of loving can max up strength and a sense of self-worth. Pero matagal na palang ipinahiwatig ng pantas na Lao Tzu… at matagal na ring naging kabilang sa mga iniingatang pamamaraan ng ilang sining-tanggulan… if right doesn’t pack might, being right is useless. Kapag nasa katuwiran, dapat na matindi ang maihahalibas na angking lakas. If you want to be deeply loved, love deeply. And thus harness deep reserves of strength. Hideous strength. The loveless grow weaker… and weaker, even wicked ...