Skip to main content

Second thoughts

PARANG Peter Pan, kakapit sa masayang isip—just one flimsy thread of a happy thought—at makakaya, malaya nang papailanlang sa himpapawid… lumipad na tila limbas, humaginit na tila alaala sa kalawakan.

Pero subukang gayahin ang ganoon—hold on firmly to a single thought. We double dare you, do it if you can.

Parang pumigil sa naghuhuramentadong pison, parang umawat sa walang humpay na hagod ng alon sa dalampasigan… walang hinto ang kawing-kawing, kawan-kawang sagasa’t ragasa ng isip.

Mas madali ngang pigilan ang paghinga. Kahit pa nga dalawang minuto, pansamantalang mapipigil ang hininga—lalo na kung tatambad bigla sa paningin ang katakam-takam, makapigil-hiningang tanawin… halimbawa’y sunod-sunod na inararo ng backhoe ang batok ng mga kapural at kasabwat sa Malakanyang sa Ampatuan Massacre… o nagsulputan kaya sa hukuman ang 57 biktima, pawang agnas na bangkay, sumusulasok na ang pagkabulok pero matamang magmamasid sa pagdinig ng kaso… na wala talagang kahihinatnan, pwe-he-he-he!

Even a French kiss can be so satisfyingly breath-taking… more so an Aussie kiss, that is, oscillation done on the nether lips…

But to keep a firm grip on a pure thought for, say, two minutes, can that be as satisfying as holding one’s breath under whatever’s soaking wet? Tougher than toughest!


Lagi kasing may nakabuntot na pasubali—second thoughts, also-ran thoughts, random and ransom thoughts—kaya paso na, bali pa ang susunggaban o kakapitang kisap ng isip. Kaya talagang matindi sa hirap ang halimbawa ni Peter Pan… ‘hirap tularan.

Mabilis kasing makahulagpos ang isip… ang totoo’y isipan lang ang gabay ng buong katawan sa taikiken at wuyiquan… thought is supposedly faster than the speed of light… kaya lagi’t laging sasalpak at sasapol sa katunggali ang kaldag at bigwas ng mga naturang sining-tanggulan.

“Even flow… thoughts arise like butterflies. We don’t know, so we keep chasing them away,” alulong nga ni Eddie Vedder.

‘Hirap naman pala, eh, bakit ba kailangang gayahin pa si Peter Pan? O magtiyagang alamin ang mga lihim ng sining na tulad ng taikiken or wuyiquan? Sirit na…

• 17 seconds of pure thought is worth 2,000 man-hours (about a year at 40 hours per week of action taken)
• 34 seconds = 20,000 man-hours (or some 10 years...)
• 51 seconds = 200,000 man-hours (or about 100 years...)
• 68 seconds = 2,000,000 man-hours (or about 1000 years...)


Bakit natin kailangang isiwalat ang ganitong inililihim na diskarte? Mahirap kasing maglaan ng 1,000 taong walang humpay na gawa sa anumang nais… na katumbas lang pala ng matiim, mataimtim na tutok-gagap ng isip sa wala pang dalawang minuto…

Aba’y kung takbo ng sariling isipan hindi mapanghawakan, nagkalat na parang basura kung saan-saan, paano pa kaya ang mga mapagpasyang paglilimi’t pagkilos?

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...