Skip to main content

Pagibik pag-ibig sa anghel ng ulan


“Crop damage from El Niño to exceed P10B“
Headline, Business Section
Philippine Daily Inquirer
February 22, 2010


HAGUPIT ng init lumatay sa dibdib
At puson ng lupa… maging sa talahib
Na butuhang kamay, kakaway sa langit
Habang agaw-buhay sa hurnong paligid.

Titis na tatarak sa labia ng linang
Susulsol na gatong… liyab ng tag-araw
At maglalagablab maging pagkauhaw
Upang mahalukay gunita ng ulan.

Napunit na pisngi ng lupa’y dampian
Ng hibla ng hamog sa madaling-araw;
Sa tanghaling tapat ay limusan man lang
Ng haplos na lilim ng punong kalansay…

Ihaplos ang agos ng hangin sa kugong
Balumbong sinangag sa buong maghapon…
Untagin ang katas ng natuyong balon,
Kahit lang sampatak, h’wag ikait ngayon…

Ah, sumasagitsit ang ningas ng uhaw
At saplot na lunti, hinubad sa darang…
Nakatiwangwang na… sabik… umaasam:
Gulanit na lupa-- kahabagan man lang..

Patakan ng kahit kapirasong yakap
Upang mapawi ang hapdi’t paghihirap…
Kahit na lirit lang sa buong magdamag--
Ibuhos na lubos, ilimos ng ulap!

Kagatin ang mamad nang butil ng lupa
At nagdedeliryong tudling sa tumana,
Nalapnos na tangkay, pahiran ng dagta…
Tubusin sa apoy, pusong nasalanta.

Uungol, dadaing lupang matitigmak--
Tatahan ang tangis, hagulgol, at iyak…
Ah, kahit ambon lang kaloob na habag,
Nektar na titimo sa matris ng luwad…

Taimtim na lirit o saganang buhos
Ang hinihiling po naming nabusabos…
Yaring mga ulap, kimkim man ay unos
O sana’y itigis at lupa’y ipuspos…

Matriel, Matarel, Matariel at Ridya,
Ito pong dalangin, dinggin ninyo sana.
Afbri, Zalbesael… pawiin ang dusa
Ng lupang tayantang… nilang magsasaka!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...