Skip to main content

Markadong hudas sa Pilipinas

Ngitngit ng anak sa doodles11006@yahoo.com:
IN a workers’ strike in one of our company’s camps, a Saudi guard, a Nepalese camp coordinator and an employee from the human resource department were mauled. The mauling stemmed from an unjust memo posted by the Administration office. Apparently, Sri Lanka and Nepal nationals got fed up with some company policies. Such anger was rubbing off on Filipinos there and as reports put it, they were likely to join the strike and they were asking us if we would support them. Most of us weren’t saying whether we would or not. To "play it safe.”

The strike bore fruit-- the company gave in to the demands of the entire Sri-Lankan and Nepalese communities, while Filipinos were left to envy their unity over such a cause which benefited them greatly. OFWs wanted to play it safe.

Ngatngat ng ama sa noqualmasabomb@yahoo.com:
HINDI ko na isinama sa pitak na ‘to na isusuplong ka ng mga kasamahan mong Penoy bugok sa mga nakatataas sa kompanya. Ayaw mo kasi ng “play it safe.” Kakasa ka. Kanino ka ba nagmana?

Naranasan ko nang inguso sa kalaban ng itinuring na kaibigan… maski naman ‘yung isang ninong mo, kasamahan din ang nagdiin sa kanya sa kaso… kaya binalikan niya ‘yon, tinunton… Maraming Katoliko sa Pilipinas, marami ring hudas. Karaniwang palatandaan ng hudas: mabunganga.

At hindi ko ugali ‘yang deba-debate’t pagbabate ng dila. Mas gusto ko pang umulaol na lang sa kumakatas-katas na hiwa para matuklas, masibasib ang hiwaga.

Rather be lewd than loud I would. There’s a lot of daring and baring entailed to live life to its fullest— and such life’s neither for the weak of will nor faint of heart.

Kaya nang sabihan ko ang panganay na apong Musa—Bantay Bata ang ginampanan naming papel nitong nakaraang Linggo-- na mas madaling mag-alaga ng mga aso’t pusa kaysa kanya, tinaasan ako ng kilay. Mas madali nga namang mag-alaga ng mga aso’t pusa. Pero humagikgik nang ikuwento kong naulinig ko ang malutong na pagsasabi niya ng “Agi”—mga alas kuwatro ng umaga—na ang ibig sabihin ay gusto na naman niyang sumuso.

Para sa sanggol na wala pang dalawang buwan, tatlong kataga pa lang ang malinaw na nabibigkas ni Musa: agi (gusto kong sumuso), hingi (inis na ‘ko, gusto kong sumuso), at Ging (na tawag sa kanyang ina, kay Angeli).

Ikinarga ko kahapon ang larawan naming maglolo sa kulamnista.blogspot.com at mangkokolum.blogspot.com—at nagsimula na ang dalas na pagpatak ng bilang ng mga dumadalaw doon para makapulot ng samut-saring paraan sa utog at pambubulog ng tulad kong saksakan ng libog.

Apat na taon ka nang bitbitin kita upang mapanood ang isa kong premyadong dula. Sa tagpong kainitan ng harumpakan ng pangunahing tauhan at kalaguyo nito, maririnig talaga kapag naghulog ka ng karayom—pero bumunghalit kang bigla, “Ay, bastos!” Dagundong ang gumugulong na kulog ng tawanan sa buong tanghalan. Ipapalabas muli ang dulang iyon. Sa Luneta mismo ngayong Nobyembre 6 at 8 alas siyete ng gabi.

Nanood ako minsan sa kanilang rehearsal, inabot ko nga ang paglalahad ng pangkat ng mga taganayon: “Tumindig ka at sumulong sa landas nitong daluyong… Mangahas tumindig, mangahas humakbang… Tagumpay ang bunga ng kapangahasan!”

Pangahas ng dulang iyon—ni hindi ko inisip noon na ubra akong makulong o iligpit ng mga sinagasa nang sulatin ito sa panahong iyon.
To write is an act of war, ani Voltaire.

I didn’t play it safe, made a sage rage upon a stage.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...