Skip to main content

Credit good but we need crash

ALAHOY! Alahoy! Narito na naman
Ang Sisong Kantanod ay ating binuhay
Taludtod ay uyam at kagat ng guyam
Igkas na bibigkas ng katagang punyal.

Maiksi ang kumot—dapat mamaluktot.
Sawikain nating hindi sinusundot…
Nakup, nagkamali… hindi nasusunod
Kaya kalagayan: nagkahindut-hindot!

Baka raw umabot sa one trillion dollars
Itong gagastusin upang makaiwas
Sa tuluyang meltdown of the banking system
Nitong sumambulat iyang Lehman Brothers…

So plunk down good monies to chase those that went bad
Upang manumbalik ang tikas at tatag
Pati kabuhayan muling mamayagpag
Kaya pakanang Bush dapat daw ilatag.

Pero teka muna… nakakapagduda
Itong ilalargang planong salbabida.
Dagdag na pabigat—uutang pa pala
Dambuhalang utang lalong aalagwa!

Indeed, a little leak can sink a giant ship
Kapag lumubog na’y kayhirap masagip
Sa banging malalim naman ibubulid
Those U.S. taxpayers, sila ang sasabit.

Tonto at Loan Ranger itong Amerika
Ay, utang na nila, doon nabihasa
Kaya nang bumagsak lalong nataranta
Lubog na sa utang ay mangungutang pa.

No bit of dust admits its part in a landslide
No whit of snow owns up its role in avalanche…
Damay pati tayo sa gawaing bankrupt
May herpes ang U.S., nagkamot ang ‘Pinas

Credit card in the dumps but we all need some cash
Lukbutan at tumbong tahasang natastas
Dahil pinairal mga gawing waldas
Asal-balasubas ang pinalaganap…

Ako po’y mapalad nakasalamuha
Si Sisong Kantanod, isang manunula
Diskarte’y ganito patula’t patuya
Nang makapaglahad ng isyu sa madla…

Paumanhin na po’t kami ay nangahas
Talas ng taludtod muling inilabas
Taga sa kataga ay iwawasiwas
Talim ng balisong itong itatarak…


Kay Sisong Kantanod ako’y magpupugay
Ang pitak na ito’y aming iaalay
Sa kanyang gunita na lalaging buhay…
These days rhyme does not pay, ah, kawawang bayan…

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...