Skip to main content

Show must go on! (Tuloy ang ligaya!) [PJI editorial 8 September 2005]

Show must go on!

THOSE clutch of full-page ads that saw print in several broadsheets before the House of Reps went on vote the other day must have cost a lot of money. It was earnest money to convince us chaos could erupt if Gloria Macapagal Arroyo is ousted.

Some pockets must have erupted and there flowed cash—that we know.

Money talks and it’s the dough talking through those ads. In that truism we are convinced.

The buck stopped there. We wish that some of those bucks went our way, too, we really could use some—these aren’t exactly easy times and we’re looking with grim expressions at the prospects of the expanded value added tax causing some more expansion of our expenditures while adding nothing of value into our lives.

The people’s reps need not have wasted precious spittle and man-hours to explain their stand. We can understand any lapse of judgment. We can comprehend how sorry they are at turning up (after a record-setting session) a set of numbers we can’t even ply at lotto or jueteng—158-51 is an atrocity we dare not divine for secret significance.

We didn’t exactly enjoy the show—too few clowns were there and they didn’t do too many pratfalls or farted through their mouths to keep us in stitches, even cause a teeny-weeny dent on our collective attention deficit disorder.

There was too scant dramatic pomp and splendor for a 250-member cast that couldn’t even entertain the electorate that sent ‘em there.

There were no memorable sound bites, quotable quote, or moving elegiac saying that befits a necrological rite.

The show is uninspired low comedy.

That is so pathetic. We are sorry for them.

Or maybe we had some lapse in judgment. Lapses in judgment can be a contagion and can become an epidemic of gargantuan proportions. What we saw must have been hideously heinous. Horror!

These days, let those grammar school children take a crack at antonyms—they’ll tell you the opposite of Progress is Congress.

And off their mouths they’ll spout hearsay heresy—the Rep. title tabbed to lawmakers spell out as “Reptile.”
-----------------------------------------
Tuloy ang ligaya!

BUMUYANGYANG na buong pahina sa ilang pahayagan bago nagbolahan, este, botohan sa House of Reps kamakalawa ang kakatwang patalastas na tiyak na ginastusan nang malaki. Malaking pera tiyak para mapaayon ang mambabasa na sasambulat ang gulo kapag natanggal sa trono si Gloria Macapagal-Arroyo.

Tiyak na sumambulat ang kung ilang bulsa at dumanak ang pera—iyon ang tiyak.

Nangungusap ang pera at tahasang pera ang nangusap sa pamamagitan ng mga naturang patalastas. Sa ganoon kami umaayon.

Sa mga pahinang iyon pumatak ang pera. Sana naman ay pumatak din sa amin, kami man ay nangangailangan—hindi naman maginhawa ang panahong ito at nanlulumo na kaming nakatanaw sa pagdating ng expanded value added tax na lilikha ng paglaki ng gastos pero wala namang idadagdag na value o halaga sa ating pamumuhay.

Hindi na sana nagsayang ng mahal na laway at oras ang ating mga kawatan, este, kinatawan para linawin ang kanilang paninindigan. Nauunawa namin ang anumang lapse of judgment o sablay na pasya. Gagap namin na ikinalulungkot nila ang pagsulpot (pagkahaba-haba man ng session, sa sementeryo din ang tuloy) ng mga numerong hindi maitataya sa lotto o jueteng—158-51 na hindi talaga mauungkat ang katuturan.

Hindi kami nasiyahan sa palabas—kokonti lang ang payaso’t ni hindi nagtumbahan o umutot sa bunganga para sumakit ang tiyan namin sa katatawa o magulantang kahit paano sa aming paghihikab.

Katiting din sa drama at anumang kagila-gilalas para sa 250-kataong Kamara na ni hindi makaaliw sa mga bobotanteng nagluklok sa kanila.

Walang maningning na mga pangungusap o makahalukay-dibdib na kataga na angkop para sa burol.

Walang latoy na komedya ang naipamalas.

Nakakaawa naman. Nalulungkot kami para sa kanila.

Baka naman sumablay din ang aming pasya. Nakakahawa ang sablay na pasya, nagiging epidemya. Baka ang napanood ay karima-rimarim na kasuklam-suklam. Nakakakilabot!

Sa panahong ito, mainam pang ungkatin ang mga paslit na nag-aaral ukol sa kabaligtaran ng mga kataga—sasabihin nilang ang kabaligtaran ng Progreso ay Kongreso.

At bubukal sa kanilang mga bibig ang kanilang naririnig sa paligid—ang katuturan ng titulong Rep. sa mambabatas ay Reptile.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...