Skip to main content

Tic-tac-toe (Meron namang bayad) (PJI editorial 12 August 2005)

Tic-tac-toe

THOSE jueteng witnesses who turned back on their words are an amusing lot—quite entertaining, too.

It must have occurred to them that their “testimony” is probably derived from the words “testes” and “money.” Assert out testes on the gavel block—ages back, a witness didn’t place his hand on a stack of Bibles but held the family jewels and swore upon future offspring of his to carry on the weight of shining truth or peddled pack of lies.

Indeed, it’s the sons and daughters yet to be born that will bear the onus of parental lies, or will be beaconed in their paths by the brilliance of truth their forebears upheld.

But then peddled lies don’t fetch piddling sums. Definitely not when yarns can affect positions of power, prestige, and perks imperiled by truth. In a sudden twist, the testes can be conveniently dropped and thereby solve pesky problems—mostly liquidity.

Testes need not be bashed when it turns to cash. Drop testes in testimony. Take the money—and run with tails between the legs.

Whatever truth mouthed off can be lapped up as a dog-- with all due apologies to dogs-- laps up its vomit.

The entertainment portion can be as absorbing as a game of tic-tac-toe. Double cross your comrades in jueteng operations then cross your fingers and hope to lie—that makes a straight triple cross. It’s a tic-tac-toe win.

Audiences are stumped. The collective mind boggles.

Were they lying through their teeth in the first place? Were they lying in the next?

Talk is cheap but overturning sworn statements before a fact-finding panel can be lucrative.

Testimony comes, to iterate, from “testes” and “money.”

Treasured family jewels need not be bashed when turned to cash.

Hindi bale nang walang bayag.

Meron namang bayad.

----------------------------------
Meron namang bayad

NAKAKATUWA ang mga testigo sa jueteng na bumawi sa mga binitiwan nilang salita—nakakalibang din sila.

Sumagi marahil sa kanilang isip na nagmula ang “testimony” sa mga katagang “testes” o bayag at “money” o salapi. Isalang ang bayag sa pukpukan ng malyete—nitong mga naunang panahon, hindi inilalapat ng saksi ang kamay sa bunton ng Bibliya pero tutukupin ang sariling bayag at susumpa sa kanyang mga magiging supling na magtataglay sa batik ng mga kabulaanan o tatanglawan ng maningning na katotohanan.

Tahasang mga sariling anak ang matatabunan sa bigat ng kasinungalingan o gagabayan sa kanilang landas ng liwanag ng katotohanan na pinagliyab ng kanilang ninuno.

Pero natutumbasan ng kahit 30 pirasong pilak ang bawat Hudas. Lalo na kung ang ihahayag nilang pangungusap ay tahasang makakatibag sa mga trono ng poder at pagtatamasa na nanganganib sa daluhong ng katotohanan. Sa iglap na pihit ng pangyayari, maipagbibili ang bayag at malulutas ang maraming problema—karaniwang tungkol sa pera.

Hindi naman yata kailangang mapitpit ang bayag kung mahihimas ng bayad. Kapunin ang bayag sa “testimony”. Sunggaban ang salapi—kumarimot ng takbo nang bahag ang buntot.

Anumang isinukang salita ay mababalikan at – pasintabi at paumanhin sa mga aso – muling mahihimod, malululon, masisikmura tulad sa ginagawa ng aso.

Nakakalibang na parang larong tic-tac-toe ang ginawa ng mga testigong nabanggit. I-double cross ang mga katoto sa operasyon ng jueteng, saka cross your fingers and hope to lie. Tatlong krus na ‘yon. Panalo sa tic-tac-toe.

Gulat ang balanang miron. Tuliro ang ating mga utak.

Nauna ba ang kanilang pagsisinungaling? O sa kasunod nang hirit sila nagsinungaling?

Walang saysay ang sobrang salita pero kapag binaligtad ang sariling kataga—na hindi naman sa bato naitaga—baka magkamal ng tiba-tiba.

Ulitin natin: nagmula ang testimony sa “testes” at “money”.

Hindi mapipitpit ang bayag kapag tinatapatan ng bayad.

Hindi bale nang walang bayag.

Meron namang bayad.


Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...