SALAMPAK na nagsusulat sa gitna ng hardin sa isang panig ng Loresville sa Antipolo nang maulinig ang mahinang kaluskos. Nasipat sa sulok ng tanaw ang animal sa kalapit na dawag. Gumagapang. Tatambang ng lukton, tipaklong, mandarangkal o anumang dadapong kulisap. Kisap-matang iglap na umigkas ang kamay.
Pumitlag-pitlag ang lunting bayagbag na nasaklot sa leeg. Bayagbag: dalawang dangkal mula buntot hanggang ulong hunyango. Nagkanlong sa kulay ng mga dahon. Nakaangkop man ang kulay sa dinapuan, hindi nabago ang anyo. Mapagbalatkayo talaga ang kaanak ng iguana, bayawak, buwaya, butiki, basilisko’t dragon.
Nakahingi ng sikapat na dipang sinulid. Tinalian sa leeg at sikmura ang bihag na bayagbag. Tila tandang na itinambang sa ginagalaan nitong dawag ang nabihag. Bumalik sa pagsusulat.
Bunsong anak ang unang sumiksik sa isip. Mahiligin si Abraham Arjuna sa samut-saring alaga. Pagong si Gamera, inot na gumagala saanmang sulok-hardin ng aming tahanan. Inahing manok si Harika, kabiyak ng tandang na si Pula, humahapon kasama ng ilang mayang paking sa mga sanga ng mangga sa likod-bahay. Nakatokang mamaluktot sa bangang burnay si Kabbalah, isang metrong ahas-tubig. Nakahawla ang sampares na dagang puti’t abuhin. Madalas harutin ng balumbon ng sinulid ang pusang si Itim. Kinakalawkaw sa aquarium ang ilang gourami’t goldfish. Ano kaya ang ilalapat na pangalan ng mahal kong bunso sa bayagbag?
Teka muna. Habang nakahanay sa larangan ang kani-kanilang kawan ng kawal ilang iglap bago pumalaot sa sagupaan, taimtim na sumangguni sa Dakilang Lumikha ang unang Arjuna. Inalam ang pakay ng kalangitan sa sisiklab na lagim. Inusisa ang katuturan at kabuluhan ng kanyang katauhan at tungkuling ginagampanan.
Mauungkat sa epikong Bhagavad-Gita (Awit ng Diyos) ang katugunan sa timpi’t maliming pag-uusisa ni Arjuna hinggil sa matinong pamamahala’t panunungkulan-pati na sa pagtupad sa takda ng pagkatao batay sa atas ng tadhana at kasaysayan. The epic can help define one’s sense of being, one’s sense of history and destiny. Kaya marahil madalas itong bungkalin, pagbuhusan ng lalim-limi nina… Ah, sina Mohandas Gandhi (ama ng payapang pagtutol sa mga manlulupig ng India), Nobel poet laureate Rabindranath Tagore, Henry David Thoreau (bumalangkas ng civil disobedience o tiwasay na di-pagtalima sa tiwaling pamamalakad), Martin Luther King, Jr. (na nagsagawa ng malawakang kampanya ng civil disobedience sa Amerika), at pati na nakapiit noong ex-Sen. Benigno S. Aquino, Jr.
Walang nabago sa panlabas na anyo ni Arjuna matapos ang taimtim na pakikipagniig sa Dakilang Lumikha. Panloob na pagbabago ang nakamit niya.
Madalas ihirit ng noon ay Tourism Secretary Dick Gordon: “We don’t need a change of men. We need a change in men. “
Maikakabit sa ganoong hirit: We don’t need a shift in form of government. We’d be content for a change in content - we want good men and women who’ll rub off their wont to good ways in governance.
Sabi nga, man’s proposal is at God’s disposal - nasa tao ang ngawa, sa Diyos ang awa’t gawa.
Baka kasi nagkamali lang ng dinig- napagkamalang “nasa Hudyo ang gawa.”
Naipukol na sa Internet ang sinulat nang bumalik sa hardin. Nakaigting sa latag ng dawag ang kahabaan ng tali ng bayagbag. Hinigit. Malubay ang tali. Nakahulagpos na ang animal na bihag. Magpapalit-palit lang iyon ng kulay saanmang paligid lumapag. Hindi magagawa na anyo’y maipagpag. Mananatili sa pagtambang ng lalantakang kulisap.
Nanghihinayang man, maiisip na iba nang uri ng alaga ang kinakalawkaw ng bunsong anak. Tiyak na hindi maaasikaso ang dagdag na alagang bayagbag. Dalawa… tatlo… apat yata ang dilag na nahihimas-himas ng kumag. May pinagmanahan.
Arugain nawa sa kamay ng Dakilang Lumikha ang bawat sikap at atikha!

Comments