Skip to main content

Interesting times/Kakatwang panahon (PJI editorial 4 May 2005)

WE LIVE in interesting times. These are times in which popularity is conveniently construed as reliable measure of human worth. The trenchant mind-set is going with the flow, not exactly standing one’s ground.

So nearly everyone strives to cozy up to, maybe please the crowds to gain their approval to hoist up one’s approval ratings by a few rungs.

A drop in one’s approval ratings owing to a not-exactly perfect perception of a whimsical, ever-griping populace, that’s deemed as disaster or stigma on one’s person. Lose rapport with those yammering hordes? That’s seen as blight on one’s capacity to lead.

So the current leadership isn’t exactly likeable and most of the led including the misled are in furor at everything that gets their goat—runaway increases in costs of fuel, water, and electricity; racked up cost of education; unabated graft and corrupt practices in government; chaotic traffic and idiotic television viewing fare… The litany of woes could go on and on. As if it were a feat of miracle, we turn everything we can set our eyes on into whine.

The nation’s leaders often provide a convenient scapegoat. We can heap the truckloads of woes upon their backs, toss the crosses we bear on their shoulders and see them off for a convenient crucifixion, outright sacking, or dumping off into the dustbin of history.

This is supposedly a Christian nation. Why, even that Leader who started up Christianity minced no word when He flat-out told His followers: “Take up your cross and follow me.” That’s not exactly heeded in these parts or is it?

Probably, we equate nation-building to tongue-lashing, bad-mouthing, and head-bashing.

The last few days evidenced this frenzy for whatever passes off as nation-building. The wage-earners had their field day of noise and fury howling at government to raise wages and go bust. An extant defense chief backed by a few blokes plied out a batch of sound bytes to topple the current administration. Next, a triumvirate of high clerics let out a cry for the current head of state to pack her bags and ship out.

That’s a lot of lung-busting hue and cry from the hordes that those who wish to be popular can cozy up to.

We’d rather not add up to the noise pollution. It’s no irony that those of small minds are fitted out with big mouths.

Ang tubig kapag matining, maaasahan mong malalim. Kapag maingay, tiyak na mababaw.

----------------------------------------------------------
(Translation into Tagalog-based Pilipino)

NABUBUHAY tayo sa kakatwang yugto ng panahon. Panahon itong nakasingkaw ang kasikatan sa halaga ng pagkatao. Umiiral ang kaisipan na kailangang magpatianod sa anumang agos-- hindi pagtindig sa sariling paa.

Kaya naman bawat isa yata’y nakikisunod sa bawat kapritso at hilig ng karamihan, susunod na tila buntot ng aso na ipapalagpag o iwawagwag para maging mainam sa pananaw ng madla.

Kawawa ang hindi kinikilingan ng madla—parang may batik sa pagkatao, parang itinakwil ng mapaglarong tadhana.

Hindi kinagigiliwan ng pinamumunuan ang kasalukuyang pinuno kaya nag-uumapaw sa ngitngit at alburuto sa alinmang mapagbubuntunan ng galit—taas-presyo ng krudo, tubig, at ilaw; igtad na matrikula sa edukasyon; patuloy na katiwalian at kabulukan sa gobyerno; impiyernong trapiko’t gunggong na palabas-telebisyon… Walang patid ang litanya ng dusa. Para na yatang unang milagro sa Cana, anumang mahagilap hindi tatantanan sa buhos ng alak.

Pinakamadaling mahagip ng sipat ang sinumang lider para ratratin ng mura’t alimura, bagsakan ng mga krus nating pasan, at ipagtulakan para maipako, masibak, o maibalibag sa kangkungan ng kasaysayan.

Kristiyano daw kasi tayo. Kahit iyong nalintikang unang lider ng Kristiyanismo’y humirit sa mga taga-sunod Niya: “Pasanin mo ang iyong krus at sumunod ka sa Akin.” Hindi naman nasusunod iyon at lalong hindi nasusundan ang anumang bakas niyon.

Inaakala natin marahil na pagpapatibay ng bansa ang panlalait, panlilibak, at pagmumura.

Nakita natin ang katibayan ng ganitong akala nitong ilang araw na nakalipas. Umatungal ang mga manggagawa para itaas ang suweldo, ibagsak ang presyo ng bilihin, idamay sa bagsak ang gobyerno. Nasundan ng ngalngal ng isang ex-defense chief at mga kasabwat nito—nagpalabas ng sandamukal na ngawa para matibag ang kasalukuyang administrasyon at mapalitan ng junta. Sumunod ang ilang obispo. Ngumalngal para lisanin na ng pinuno ng bansa ang kanyang puwesto.

Makatungkab-baga ang tindi ng ingay na nalikha ng marami na kailangan yatang pagbigyan para maging sikat. Para maging popular.

Mahirap nang dagdagan pa ang sangkaterbang ingay. Hindi naman kasi kakatwa na laging magkasama ang makitid na isip at maluwang na bunganga.

Sabi nga: “Ang tubig kapag matining, maaasahan mong malalim. Kapag maingay, tiyak na mababaw.”

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...