Skip to main content

For the BIEN ALIGTAD souvenir program

Bakting sa panahon ng Facebook at cellphone

DALAWANG kaluluwa ang gumagalugad sa Pambuan (tubo po dito ang aking mahal na ina’t lola), isang bayan sa Gapan—hilahod at gapang sa hirap ang mga Hapones nang upakan sila ng tagarito, kaya tinawag na Gapan, lungsod na po ngayon—sa lalawigan ng Nueva Ecija ng Gitnang Luzon:
1.      


 Ang patrong San Roque na palaging may kasamang aso sa paglalakbay;


Bakting, sintu-sinto na katumbas ng village crier; may hawak na kuliling o munting kampana upang tawagin ang pansin ng madla sa hated niyang kalatas—ang kamatayan ng isa nilang kanayon, kaanak, kaibigan o kakilala; kalian ang libing ng yumao at ilang kuntil-butil hinggil sa namayapa.

Lunas sa karamdaman o kapansanan. O kalutasan sa suliranin ang hatid ni San Roque—sinumang dilaan ng kanyang mahiwagang aso ay magkakamit ng himala. Himala na lulutas o lulunas.

Peryodistang pulpol na naghahatid ng malungkot na balita ang bakting… uuntag, aantig sa luha’t lungkot, hinagpis at hagulgol.

Bakting. Bagting. Magkaugnay ang dalawang kataga. Bagting is string than can conjure a cello, violin, a piano, harp, or guitar, with strings made taut to pluck out strains… purse strings… heart strings… puppets on a string.

Sa mga sinaunang kuwentong bayan, sinasagisag ng San Roque ang Pilipinas na ang populasyon ay pipi, bulag, pilay at bingi—pulos pulubi ang mga diyaske!

Sa’n napunta ang mahiwagang alalay ng San Roque?

Take a closer, lingering look at the map of the Philippines.

There!

The map outlines a dog lazing on its side, its head looking westward. Go figure out if the miraculous dog is about to leap from such a recline, and inflict its fangs, maybe rabies, too, on American beach belles at the eastern seaboard.

Maybe the dog has been told to sit but opted to rest on its side.

Malakas po ang kutob ko ang mahiwagang aso ni San Roque ay nagkakatawang-tao. Paminsan-minsan. Siguro.

Tumataghoy.

Tumatahol.

Sumisinta.

Sumasagpang.

Nagiging bakting.

Daemon est deus inversus.


Or dog spelled backwards is… up to you.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...