Skip to main content

Katha wang

SA wikang Thai natalisod sa katagang “katha.” Katumbas pala ng mantra, oracion, dasal o panalangin na inuusal… may bisa pala para makamit ang anumang ninanais. May katha para matuhog ang dilag na nililiyag. May katha upang maging kaakit-akit sa paningin ng balana. Mayroon din para magkamal ng magandang kapalaran o maging magaang ang kabuhayan.

 Nasumpungan din ang “katha” mula wikang Sanskrit. “Kamatayan” naman ang kahulugan. Katunayan, ang “Kamatayan na Tagapagturo” ang tuwirang kahulugan ng banal na aklat ng Persia na “Katha Upanishad.”

“Hari” ang katumbas ng “wang” sa salitang Chino—naging “Juan” nga sa Nueva Ecija ang apelyido ng mas nakararaming bilang ng mga Chino, kaya hindi maipagkakaila ang malalim na agos ng kalinangan at gawing China sa naturang lalawigan…

Sa dalawang kataga na pinagsanib—katha wang, katawan—mauungkat ang tahasang pag-iral at paghahari ng mga panalangin sa kabuuan ng katawan… tiyak mauulinig ang alingawngaw ng Banal na Kasulatan, “at ang Kataga ay nagkatawang-lupa at tumahan sa atin.”

Kidlat na liliyab sa isip ang katotohanan—tala-talaksan o bunton-bunton ng kataga talaga ang tinataglay ng mga himaymay ng laman sa ating katawan! ‘Yan siguro ang dahilan kaya matindi ang bisa ng dalangin… pati na karaniwang pangungusap. Tumatalab sa laman. Tumatagos sa buto.

Paniniyak ni Lewis Carroll: “Gumagamit tayo ng mga salita katulad ng paggamit ng mga salita sa atin.” Sa madaling salita, bungkos lang tayo ng mga salita.


At inuungkat natin sa ating katawan kung anu-ano ang mga ibinuhos, isinalin na mga dalangin upang higit pang tumingkad ang mahika ng mga pagpintig, kislot at kilos ng… ah, katawan.

Inaantig, pinupukaw, inuuntag natin ang katawan ng iba sa pamamagitan ng mga salita na—oo nga—nagkiwal din, nakasalansan na tila mga gusali o mga istruktura sa kani-kanilang katawan.

‘Yun ang hinahanap ng inyong imbing lingkod sa samut-saring katawan na, sabi nga’y, kanyang nakadaupang-ari… mga kataga’t pangungusap na maglalahad ng kabuluhan at katuturan ng kanilang buhay.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...