Skip to main content

ओपन एयर (कों बस)

Open air-con bus

ALIN ang mas nakakahiya, makita ng madla na nangungulangot o umamin sa pag-utot?

Agad na inilipat ang talapihitan ng radyo sa 98.7 FM… ibang usapan, panayam sa isang babaeng manunulat ng mga librong crime thriller, inuungkat ang diskarte niya sa pananaliksik at pagsusulat. Now, that’s the kind of earful that I won’t take offense at… it has respect for me as an erudite, maybe, learned listener… kaya hindi mabubulungan ni Satanas na bibigyan niya ako ng kahit ilang nuclear warheads para burahin sa balat ng lupa at sa himpapawid ang naunang istasyon ng radyong bumulaga sa pandinig.

‘Yung mapapakinggan at mapapanood ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya mas mahilig kaming sumakay sa open air(con bus)… tipid kahit konti sa pasahe, at karaniwang walang ‘kakapikang radyo na magbubuhos ng usapang imburnal o DVD player na magpapalabas ng mga tagpo ng pelikulang karima-rimarim.

Lack of such contraptions in those buses won’t allow the bus driver to inflict his execrable taste for sights or ‘sounds’ on the hapless commuter.

Hindi na baleng sumagap ng lahat ng alimuom, alikabok at usok-tambutso mula lansangan… basta huwag na lang mapika’t makapag-isip kung paano uupakan ng weapons of mass destruction ang mga bugok at gunggong na kapural ng mass distraction.


Hindi naman siguro mga busabos ang mga tsuper ng bus sa Cebu—palihug, sa lugar lang, bay—na nagpumilit sa LTFRB… na kahit daw patuloy umaakyat ang presyo ng krudo, hindi raw sila gagaya sa mga bus sa Metro-Manila na nagkukumahog na patawan ng mas mabigat na parusa sa bulsa ang karaniwang commuters. Ibinalik nila sa P6 ang singil sa minimum fare.


That’s a show of sensitivity and consideration
. Isa pa sigurong malinaw na asenso sa lansangan kung mas maraming public utility vehicles na masasakyan ko ang nakapako ang radyo sa 98.7 FMclassical music ang ibinubusina ng naturang himpilan. At iba ang bisa ng classical music on attention span, focus, and brain energy levels…

In an independent traffic study done on a major thoroughfare in the western corridor of the metropolis, it was found that (1) infrastructures—and the route was wide enough to accommodate vehicles of all sizes-- to ease flow of both pedestrian and vehicular traffic were in place, (2)traffic laws on road use and safety are more than enough, and (3) traffic signs were in order… yet, that thoroughfare was bedeviled every hour on the hour by monster traffic jams. What was wrong?

Without batting an eyelash, the surveyors told it like it is: “You Filipinos have an attitude problem in the streets. That’s the root of the traffic problems that you have in every bit of by-way or major highway.”


Gano’n lang ang ugat ng suliranin ng Filipino sa trapik… pati na drug trafficking.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...