“WALA kang kuwentang ina!” walang gatol na halihaw ng laway sa nanay. “Alila ka lang dito, wala kang karapatan. Palamon ka lang namin,” sampal ng salita sa kasambahay… mula sa bibig ng paslit… hindi ‘to tayutay ni pagpupugay sa kawalang-malay na buong tapang na magsisiwalat ng katotohanan… mula kathang The Emperor’s New Clothes ni Hans Christian Andersen. Napulot sa soap opera , telenovela, at iba pang pantelebisyong halibasan ng halitosis —pati na sa mga kalaro’t nakakatanda na walang pinagkatandaan—ang mga ganoong pampadugo sa tainga na bigwas ng bunganga’t bulwak ng kalaghara’t dura. Idagdag na ang pangkaraniwan nang “Putang ina mo!” Aral naman sa ama ang anak na babae hinggil sa igkas-bigkas ng mga makahayop at mahayap na salita… kaya bawal na bawal sa apong Musa Rafaela na manood ng mga naturang agos ng imburnal sa telebisyon… mahigpit ang bilin sa mga kasambahay, na nadamay sa nakagiliwan nang The Sound of Music, Les Miserables, at Cats … na paulit-ulit, walang sawang pinapanoo...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.