Skip to main content

Rehas sa Look ng Maynila sinimulang kalasin

SINIMULAN na ang pagwasak sa mga illegal fish pens at fish cages – pawang mga rehas sa tubig—na nakaharang sa bahaging Cavite ng Manila Bay.

“Higit na may karapatan sa likas-yaman ng Manila Bay ang mga maliit na mangingisda kaysa mga may-ari ng mga illegal na baklad na pawang nagpapasasa sa salapi at ni hindi mga taga-Cavite,” diin ni Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza nang pamunuan niya ang pagwasak sa mga baklad sa 180,000-ektaryang lawak ng Manila Bay. Saksi si Cavite Gov. Ayong Maliksi at mga 150 mangingisda nang simulan ang pagbuwag nitong Agosto 27.

Tinukoy ni Atienza na kabilang ang mga illegal na baklad sa mga pangunahing sanhi sa kabiguan ng pamahalaan upang maisulong ang malawakang pagsisinop sa Manila Bay. Hindi pa rin nakakatupad sa itinakda ng kanilang kontrata ang Maynilad at Manila Water—hindi pa nakakapagpagawa ng sewage treatment facilities kaya nagiging tambakan pa rin ng katas-pozo negro ang Manila Bay.

Pahayag ni Atienza: “This demolition is not only sound environment management but sound economics as well since it stimulates growth among Cavite’s fisherfolk.”

Rehas sa tubig ang mga baklad—masaklap na sumasagisag sa pagsasamantala ng iilan sa likas-yaman ng bansa samantalang mas marami ang naghihikahos, ani Atienza.

Pitong ilog ang sumasalin sa Manila Bay na 190 kilometro ang kahabaan ng pampangin—kakawing ng mga kanugnog nitong watershed area maging ang watershed areas hanggang Laguna, Rizal, Nueva Ecija, pati na Tarlac.

Sa kalikasan, totoo ang kasabihan: “Sakit ng kalingkingan, damdamin ng buong katawan.” Or to shake the universe, cut a blade of grass.

Pinansin ni Atienza na tumatagos na tila impeksiyon o kamandag mula pampang hanggang kaitaasang bahagi ng mga lalawigang nakapaligid dito ang pagkasira o environmental degradation ng Manila Bay. Kabilang sa mga lalawigang apektado: Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, ilang bahagi ng Tarlac, Aurora at Zambales; Cavite, Laguna, Rizal at mga bahagi ng Batangas at Quezon; mga bahagi ng Nueva Vizcaya. Sapol na sapol lalo na ang 16 na siyudad at 1 munisipalidad ng Metro-Manila.

Pinansin ng DENR na pawang taga-Pampanga, Bulacan, at mga kalapit na lalawigan ang may-ari ng mga baklad na nakarehas sa bahaging Cavite ng Manila Bay. Karaniwang sa malalim na bahagi ng look itinitindig ang baklad—sasakop ang mga itinulos na bayog o anahaw sa mula lima hanggang 50 ektarya.

Higit na maliit na lawak ang saklaw ng mga kural o fish cage—mula 200 metro kuwadrado hanggang isang ektarya-- na karaniwang palakihan ng mga lapu-lapu’t talakitok na pawang panluwas sa ibang bansa.

Nakabilanggo na sa mga rehas sa tubig ang kabuhayan ng mga maliit na mangingisda, hadlang din sa Manila-Cavite ferry route—sa halip na 30 minuto lang ang biyahe, higit sa isang oras dahil kailangang magpasikot-sikot pa.

Buwena-mano sa pagkalas ng mga naturang rehas ang 200 baklad, pinagtulungang gibain ng mga tauhan ng DENR, Army, Navy, at lokal na pamahalaan.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...