Skip to main content

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan...

MATAGAL ding kinimkim sa puson ang naghuhuramentadong pagnanasa kay Merle Fernandez sapul masilayan ang kanyang nakatiwangwang na alindog—that doesn’t translate as clueless dog in rear entry coition—sa pelikulang Uhaw mula panulat ni Mars Ravelo. Hangad po ng pitak na ito ng sandamakmak ding bihis at paulit-ulit na gayak sa naturang katha kaysa walang latoy na pakikipagsapalaran ni Darna. Mas likas at kapani-paniwala kasi ang pakikipagdaupang-ari kaysa mahirap paniwalaang pakikipagsapalaran na tinambakang tila Payatas ng sangkaterbang computer generated images.

Palaging hinihimod ng tingin maging sa bumabahang panaginip—read: downpouring wet dream-- ang mga burol, parang, singit at sulok ng hubad na lunan ng katawang inangkin na sa isipan, naging bahagi ng marikit na dekadang 1970. Ginagamit nga pala ang katagang ‘marikit’ kaugnay ng pagpapaliyab sa siga, pagsisindi ng apoy sa pagluluto. May pahiwatig ng pagliliwanag at paliwanag sa karimlan. May pagpukaw sa init at alinsangan. May anyaya sa lagablab. Lihim na naglalaro ng apoy ang katagang ‘marikit.’ Kaya sa lahat ng putaheng natikman, nilantakan at ninamnam tulad ng mga inampalan sa Iron Chef—wala talagang tatalo sa linamnam ng luto ng diyos.

Tiyak na lumipas na ang asim ng pinagnasaan noon. Napapanis din ang ulam kahit dati’y katakam-takam.

May nakapagsabi na pagbebenta ng mga kasangkapang antigo na ang pinagkakaabalahan ng sinasambang sex goddess. Bihira ang may panlasa’t mapagtanging pagtingin sa mga pinaglumaang kasangkapan, lalo sa panahong umiiral ang programmed obsolescence—maikli lang ang taning na panahon sa pagiging uso ng anuman. Disposable lighter, disposable diapers, disposable cameras, disposable relations.

Mula sa bulag na Zatoichi, isa sa mga popular na karakter ng dekada ’70 ang ganitong pananaw: “Sampung taon ako nang tuluyang mabulag. Bago ako nabulag nakita ko pang hubo’t hubad ang aking ina na 28 taon noon— malaman ang suso, malago ang buhok sa pagitan ng hita, wala na siya. Pero hindi siya tumatanda, hindi rin nawala, laging kaibig-ibig sa aking paningin. Kahit wala na akong paningin.”

Tubuan man sa utak ng kuliti—not the singular form of the thorny amaranth, kulitis-- ulitin lang ang ganoong kakatwang pahayag ng bulag para sa sex goddess– ituturing marahil na tulad ng kasangkapan mula sa malayong nakaraan-- na nagpunla ng apoy sa aking puson. O kahit na hirit ni Bono ng U2: “Time won’t leave me as I am. But time won’t take the boy in this man.”

Sa Sariaya, Quezon pa namin naapuhap ang mga upuang batibot—nabili ng P50 sampiraso noong dekada 1980. Baka mas matanda pa sa akin ang mga sangkap na bakal at kahoy ng mga naturang upuan. Nagpasalin-salin na marahil kung kani-kaninong pamamahay, naging bahagi ng kanilang pamumuhay, mula sa mga nakalipas na hindi ko kailanman napagdaanan. Mga buhay na reliko ng napakahabang daloy ng panahon—at kapiling pa rin namin, bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay sa inaangking panahon.

Maganda sanang katerno ng mga batibot ang inaawitang four-poster bed ng dating katoto mula sa UP Conservatory of Music na taga-Cardona, Rizal. Nang huling maungkat ang naturang antigong kama—tiyak na sapin-sapin, suson-susong sumpaan at harumpakan sa napakahabang daloy ng mga taon ang naganap doon—hindi na raw ipinagbibili. Malalim na buntong-hininga’t panghihinayang. Umaapaw, bumabaha sa gunita’t panahon ang naturang kasangkapan.

Palimos naman ng panahon!

Bigyan ng sapat na panahon?

Isa sa mga taon ng dekada 1980 nang mapanood ang isinapelikulang nobela ni Stephen King, ang Langoliers. Nilalamon ng mga naturang halimaw mula kung saan ang mga nawaldas at sinayang na sandali, oras, panahon. Kasamang nilalamon ang mga nagsasayang ng panahon.

Kimkim marahil sa bawat hibla’t himaymay ng mga antigong kasangkapan ang pagkalagas ng mga sandali, oras, araw, buwan…

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi na tinitigasan—may erectile dysfunction. Those who cannot learn from history are dumb to repeat it.

Tig-24 oras lang naman ang kaloob na panahon sa isang araw. And I’d like to spend maybe invest such too little time with those that I love, things and activities that are meaningful to me. I won’t spare a bit of such precious time with those that waste my time.

Short time, tatay,” alok ng nadaanang pokpok sa Maria Orosa, Ermita.

Next time, anak,” pakli sa nag-alok.

Mamahaling antigo na ang tingin ko kay Merle Fernandez. Classical music na tila obra ni Johann Sebastian Bach. Nakakakiliti. Masarap. Masabaw. Kimkim pa rin sa maliyab na gunita ng naghuhuramentadong puson.

Na ayaw pa ring palipasan ng panahon.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...