Skip to main content

GAGAMBAKBAKAN


SUWERTE daw ang hatid ng gagamba kung makikita sa gabi—kaya siguro santambak na suwerte pa ang hinihintay na dumating… gabi-gabing daratnan sa itaas ng pintuan sa pamamahay ang 2-3 gagamba na nakapaglatag na ng kani-kanilang paanyayang lambat sa samut-saring mabibitag at malalapang na kulisap… “Come to my funeral parlor.”

Nakalipas ang pagsulpot ng mga salagubang nitong Hunyo, pero ni isa’y walang nahuli para ipasiyasat, ipalaro sa apo… mula ulalo ng kamote ang salagubang, at tila nanatiling kamote’t ulalo—nahalal o naluklok pa nga sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno.

Hindi na manginginain ng dahon ng kakawate, mangga, dapdap, alibangbang, sinigwelas o sampalok-- internal revenue allocation, tongpats o pork barrel na ang lalantakan. Kapit-bayawak pa ang sakmal sa kinalalagyan kaya kahit yugyugin nang todo, walang maririnig ni makikitang lumagapak sa lupa.

Kaya baka-sakali na lang sa suwerteng hahabiin ng gagamba… na sa tuusan nga’y payak lang ang payo tungo sa magandang kapalaran… fulfillment of responsibilities accrues power to the responsible o gampanan ang pinakamumunting gawain at dapat panindigan, tiyak na magtatamasa ng kapangyarihan.

At tuwing takipsilim nga, nagsisinop ng patibong na pamamahay ang gagamba.

Sa karimlan ng madawag na paligid ng isang agricultural training facility sa Bombon, Camarines Sur nakapanghuli noon ng higit sandosenang panlabang gagamba—ibinigay sa isang anak na lalaki, ‘kako’y ibenta ng kahit P10 isa sa kanyang mga kaklase na mahilig sa gagambakbakan… kambal na hiwas na patalim—paboritong gamit ni Dr. Hannibal “The Cannibal” Lecter—ang panagupang pangil, umaatikabong sagpangan… a study in close quarters combat and applied martial techniques in kinesiology.

Nauna rito, sa kalagitnaan ng itinitindig na Beverly Hills Subdivision sa Cebu City nakapanghuli ng kung ilan ding gagamba—maghahatinggabi habang kami’y lumalaklak ng Red Horse sa kalagitnaan ng ulilang lansangan na wala pang kabahayan… pandalas na pagsasabi sa ‘kin na baka raw ako mahulog sa bangin, madilim kasi, pero mga kainuman ang bumagsak sa kalasingan.

At lumaki ngang gumagalugad sa mga pilapil, patuto’t parang ng Nueva Ecija at Batangas na paghahagilap ng gagamba ang nakagiliwang libangan sa kamusmusan… naibahagi ang hilig sa mga lumalaking anak pati na ilang kuntil-butil na kaalaman mula sa pagbasa at pag-angkop ng kilos ng katawan sa latag ng lupain na gagalugarin sa paghahahap hanggang sa materials development…

Matindi sa tibay ang hibla ng gagamba-- about five times stronger than steel and twice as strong as Kevlar (the material for bulletproof vests) of the same weight, stretchable up to about 30% longer than its original length without breaking, and that’s very, very resilient.

Spiderman is a joke— hindi sa kamay, sa tumbong lumalabas ang hiblang pansapot ng gagamba. At kaiba ang ipinayo, fulfillment of tremendous responsibilities accrues tremendous powers to the responsible.

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal