Skip to main content

Asindero


DALAWANG pamilya ang humahango ng asin sa 500-metro kuwadradong irasan, tig-sampung sako sambuwan sa kasagsagan ng tag-init. Lumipas ang 20 taon, apat na pamilya na ang humahango ng asin… tiglimang sako.

Naisipan na ipatupad ang land reform sa irasan, hinati-hati… lalatagan ng magkahiwalay na pilapil bawat pitak kaya kulang sa tig-125 metro kuwadradong pinitak bawat pamilya… siyempre nagkahindut-hindot ang bulto ng hinahangong asin, nabawasan pa ang limang sako sa bawat pamilya… malaki ang bawas sa kita.

Hindi na mahalaga ang kabawasan sa tuusan, nagkahati-hati na, wala nang aangal pa. Tutal, pare-pareho naman silang gunggong, they’ll be clueless on the niceties or maybe efficiencies gained from economies of scale, economies of scope, or Voltes V synergy which is usually whispered in a hissing hot stream of breath to a beloved’s ear, “Let’s bolt in!”

Or maybe, it didn’t occur to such nitwits that it’s saner to share among themselves the fruits of the land instead of dividing the land.

There’ll be landlords, drug lords, jueteng lords
—at mukhang silang mga nakasalang sa bisyo ang nakakaunawa ng mahusay na pamamalakad ng kabuhayan batay sa produksiyon… hindi sa lupa o anumang sangkap ng produksiyon. Kay Bill Gates yata galing ang hirit na “the most precious resource man has lies between his ears.”

Kaya walang paki si P’Noy sa Hacienda Luisita—kulangot lang ang kanyang sosyo sa naturang taniman ng tubo’t pabrika ng asukal… na hawak ng isang korporasyon na umuugit at namamalakad sa operasyon.

Kaya huwag nang sulsulan para makialam si P’noy o kahit si Kris Aquino at Boy Abunda, ‘musta ka na, ‘dre, ba’t hindi mo na ‘ko isinasama sa raket?

Saan man sipatin, wala talagang major river system na dumadaan sa Tarlac… aangkat pa ng tubig na pantustos sa mga pananim mula sa pinakamalapit na dam sa mga kanugnog na lalawigan… kapag nanalasa ang El Niño, salanta ang mga pananim, umaatikabong pagkalugi… at pasanin ‘yon ng korporasyong may hawak ng Hacienda Luisita… pasanin din ng konsumer na kapag may sugar cane or beet crop failures, alagwa ang presyo ng asukal.

‘Buti pa si Boss Danding Cojuangco na kahit panginoong maylupa, talagang maglulupa sa Guimaras at Negros Occidental… sa halip na tubo ang palaguin sa kanyang mga pataniman, umarangkada sa multiple cropping system—mangga, ilang-ilang, high-value crops.

Pinangarap niya minsan na palitan ng mango juice ang orange juice bilang worldwide favorite breakfast drink… kaya tumodo talaga sa pagtatanim ng mangga.

Kahati sa kayod, kahati sa kita—at may mga bonus pa—ang kanyang mga tauhan.

Pero hindi nagkahati-hati sa lupalop whose fruits barely meet a huge demand for mangoes and ilang-ilang oils.

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal