Skip to main content

Lagay ng panahon

PAGLALAKBAY ng kalakal at balana, pangisdaan at pagsasaka—sa mga marahas na pihit o mahinahong usad ng panahon nakasalalay ang mga ito.

Hindi mga larong pagsusunugan ng utak o taltalan sa Facebook ang may pinakamalaking bulto ng naghahalungkat sa Internet— lagay ng panahon ang talagang inaalam… ‘hirap kasi sumalunga sa buhos ng unos lalo’t sa bahaging bundok maglilipat-puno o pananim… ‘hirap magpalipad ng saranggola o kahit barko sa halihaw ng bagyo.

Hindi naman pala dapat umasa sa PAGASA—mas asenso pa nga ang “Eat Bulaga” na may domestic satellite para maikalat at ipaalam saanmang lupalop sa Pilipinas at kanugnog na mga bansa ang wasiwas-balakang at yugyog-niyog ng EB Babes… aba’y makikita halos araw-araw na binabayo yata ng bagyo ang mga naturang tagasayaw.

Kaya naman mas tinatangkilik, marubdob na sinusubaybayan ng mga miron saanmang kuyukot at kili-kili ng bansa ang naturang palatuntunan kaysa maayos na paglalakbay, pangisdaan at pagsasaka.

Kaya naman dumadagundong ang katkat ng alipusta, pagmumura ng balana at garalgal-tungayaw ng power generating sets kay Oscar Reyes ng Meralco nang bumayo sa Metro Manila, lalo na sa mga taga-Makati si Lola Basyang—hindi po siya kamag-anak ng mandudulang Severino Reyes.

Lumilitaw na may kasuklam-suklam na sabwatan ang pamunuan ng Meralco (na nagtaas na naman ng singil sa kuryente) at mga gasolinahan… mauungkat na kauupo lang ng Reyes sa Meralco pero naging tagapangulo siya noong dekada 1990 sa Pilipinas Shell… at lubusang tumipak ang mga gasolinahan sa masiglang bentahan ng diesel fuel upang mapaandar ang power generating sets, upang makapanood pa rin ang mga masugid na tagasubaybay ng “Eat Bulaga.”

Hindi na baleng offline ang mga computers ng Metro Manila lotto outlets at naunsiyami na naman ang mga nangangarap buhusan ng kumukulong mantika’t maging Lucky Me instant mami … hindi na baleng milyong pasahero ng LRT at MRT ang nakunsumi dahil walang masakyang tren… hindi na rin baleng nalumpo yata ang mga bahay-kalakalan sa Ortigas, Binondo, Quezon City at Makati’t umaabot sa bilyones ang lost business opportunities

Pero the nation’s most-watched noontime show must go on! Kailangang ibigay ang hilig. Paglingkuran ang mga moron, oops, miron—na itinuturing na boss ni P’Noy.

Hayaan sa kanlungan ng panghihinayang umalulong ng awit sina Rom Dongeto at Noel Cabangon—“pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?”

T-teka, binanggit kay Manang Mae ng National Press Club na sa Roma’t ibang maunlad na siyudad sa ibang lupalop, nakalatag sa ilalim ng lupa ang mga kable’t kawad ng kuryente… hindi naman problema sa materials development ang superconductivity ng kawad na dadaluyan ng kuryente… hindi rin hadlang sa materials development ang paglikha ng pambalot na insulasyon sa mga kawad para ligtas sa sanaw ng baha, kumukulong putik kahit yanig ng lindol…

Pangit sa paningin ang hanay ng mga poste na pinagsasampayan ng mga kawad-kuryente at binibilang ng mga naghahanap ng mapapasukang trabaho… kailangan pa ring hindi basta maabot ang mga kawad—at presyo ng singil sa kuryente—ng mga magnanakaw at kawatan…

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal