Skip to main content

Takdang aralin


WALANG mararating kung hindi alam kung saan nanggaling. Walang patutunguhan kung hindi talos ang pinagmulan. Ang hindi manumbalik sa lunggang pinanggalingan, hindi na tinitigasan.

Ganoon yata ang pakay ng gurong nagbigay ng takdang aralin sa isang pamangkin, unang taon sa Philippine Science High School… ipinapatunton sa isang supling ng tinatawag na Generation X ang kanyang pinagmulan… lalambitin siya sa mga pangunahing sanga ng family tree… at ako ang binulabog para makatulong sa pagtonting, oops, pagtunton.

Salsila o genealogy ang ganoong pagtunton, and genealogy whispers of the genitals… of which the female endowment I am quite fond of, uh, the Koreanovela “Jewel in the Palace” aired years ago at GMA-7 fingers at, pun intended but we can use instead, dahil ito nga’y pagtuturo siguro (sex education) “points to” the female jewel or labia.

“Ampil” ang panggitnang pangalan ko, na taglay na apelyido ng pamangkin. Nagmula ang mga Ampil sa mga liping Khmer—na bihasa sa genocide, malagim na halimbawa nga ang Khmer Rouge. Katuturan ng “khmer”-- mga naninirahan sa burol sa Cambodia… na mas matanda ang kabihasnan kaysa China. Punong sampalok o Tamarindus indica naman ang katumbas ng ampil sa Tagalog.

Khmer migrants to the Philippines were of noble birth, mostly royalty who bought vast tracts of land in Central Luzon and certain parts of Manila…the Ampils were landed gentry. Panginoong maylupalop. So, we are men of the soil, men of the cloth, men of the pen and men of arms… ititibok lagi ng aming dibdib at dugo ang paglulupa, pambababae, (oops, ‘kala ko kasi man with the penis, pen nga pala, saka) pagpapari, at pandirigma…

Apo sa talampakan ang pamangkin nina Cecilio Ortiz Ampil ng Bulacan at Juliana Liwag Diaz ng Nueva Ecija. Hindi ko napag-alaman ang mga magulang ni Lolo Elio. Natukoy ko lang ang ina ni Lola Huli: Fernanda de Guzman Liwag na pinsang buo ni dating punong guro at mambabatas sa Senado, Juan Liwag…

Hindi biro ang pagsalsila ng salinlahi… kahit nga sa Bagong Tipan, may mga sangang nabangal sa pagsalsila ni Mateo sa pinagmulang 28 salinlahi ni Hesukristo… halos pulos pater familias o mga ama ang tinukoy pero tahasang isinama sa salsila ang pangalan ng limang babae… apat ang talagang asawa, (1) Tamar, (2) Rahab (3) Ruth at (4) Maria na ina ng Manunubos… isa ang hindi na pinangalanan na naging kabit ni Haring David pero ito ang nanay ni Haring Solomon.

Hindi lang pagsasanay sa pag-ugnay at pagtuklas sa mga lumisang kaanak ang pakay ng naturang takdang aralin ng pamangkin…. Walang mararating kung hindi alam kung saan nanggaling. Walang patutunguhan kung hindi talos ang pinagmulan.

At ang pinakamatinding layunin: Ang hindi manumbalik sa lunggang pinanggalingan, hindi na tinitigasan.

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal