Skip to main content

Paalis na ang paningin ni Lola Anday...

KAYA hindi na siya maibigkis ng mga oras, kahit takip-silim o dapit-umaga’y tila ilog mula Bundok Arayat na aagos ang kawing-kawing na gunita sa masasal na usal ng salita.

Ganoon yata ang tumatanda, pinag-uulian… babalik-tanaw uli sa mga karanasan ng lumipas na panahon, mahapdi man o may lakip na matining na saya ang sinuong na karanasan. Parang musmos na kakalawkaw sa malinaw na agos ng nakaraan, lulutang muli ang mga marikit, matingkad na mga kulay na nahalukay…

“Gapan” daw ang ipinangalan sa kanyang bayan—isa nang lungsod ngayon sa Nueva Ecija—dahil pinagapang daw nila sa parusa’t pahirap ang mga kumubkob na mga Hapones…

Pati ba naman pagkalas at paglilinis ng kalibre .25 pakbung ay dapat ikuwento, eh, wala nang ganoong riple ngayon?

Isa lang sa kanyang mga kuwento ang umakit sa aking pansin… hindi kasi malupit, hindi tigmak sa pulbura’t dugo… sa kanilang bakuran napagkamalang gulay na makakain ang pananim na tabako— matingkad ang kaluntian, katakam-takam ang tunog-lutong ng tangkay kapag napigtal. Namitas ng talbos ang mga Hapones, isinama sa pagkain… hindi maipinta ang mukha ng mga tumikim pa lang, pandalas sa pagmumura habang ibinubuhos sa lupa ang ulam.

‘Yung tungkol sa agimat o dupil na kailangan munang maisalin sa sinumang kaanak bago siya tuluyang lumisan, hindi ko lubusang inungkat… kahit sabihin pang maraming ulit siyang nakaligtas sa matinding sagupaan dahil sa kanyang iniingatan.

Paulit-ulit ang mga kuwento’t kuwenta… bawat dinanas yatang sagupaan o karanasan ay umukit ng gatla… nagsudsod ng malalim na lagda’t butil ng kung anong binhi sa noo’t sa paligid ng mga mata… so defining were those crucial moments she went through.

Did those moments define her? Did such moments rush-flowed into, plowed at her?

Or did her crusty character define every moment she ploughed into?

Did she make things happen? Or did those things happen to her?


Astig naman talaga si Lola Anday… alam naman niya ang mga pinasukan niya.

May napupukaw na saya sa dibdib kapag inuungkat ang mga hakbang na nag-iwan ng maalingawngaw na yabag at bayag sa mga tinahak na landas, sa mga pangyayaring dinanas… “Happiness comes in large measure from past personal achievement according to researchers at The University of Iowa who have identified key predictors of happiness among the oldest old (those ages 85 years and older).”

Patpatin lang din ang katawan ni Lola Anday, parang tangkay ng mangkono na kahit kakapiraso’y sintigas ng asero… taimtim na sumimsim ng samut-saring katas sa lupa sa hamak na pagtindig. Hamak pero mabulas na pagtindig.

T-teka, sa kanya ko nga pala napulot ang paglalatag ng intersecting lines of fire sa pananambang… naisalin ang ganoong antigong kaalaman sa mga supling… ako’y apo niya sa tuhod… pati kaapu-apuhan masasalinan pa rin ng kung anumang agimat o dupil na kanyang iningatan.

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky