Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2009

Erap

Lights, come Erap, fraction— dapat nang simulan… Tatak-boo pong muli’t muling pagbibigyan Nilang bobotante’t sambayanang mangmang… Pati mandarambong, jologs at pusakal. Ang laos na actor, Fear Factor na ngayon Magiging pambato’t muling poposisyon— Basta “poo-poo session,” hindi upo-sisyon Karumal-dumal man ganoong ambisyon. Jueteng lord, have mercy… ilawit ang habag O kahit na anong lalawit sa bahag Nakakapangambang muling mamayagpag Kapag naluklok na’y muli lang lalaklak. Ito kasing si Ping humirit na naman Dapat noon daw ay thirty-two ang waistline; Commander-in-chief n’ya’y exempted sa ganyan… Thirty liters kasi kargada sa tiyan. Dahil nga sa angas sumiklab ang gulo— Nagsampa ng kasong Dr. Vicki Belo! (Ganoon ang tunog niyon pong asunto Na inihalibas doon kay Yuchengco.) Sa kasong ganoon kapag sinampahan Umaatikabo na pong harumpakan Tiyak na bubuhos balde-baldeng facials Ang askad ng mukha’y lubusang tatakpan. Sabit din sa korte’t kasong Vicki Belo Ay mga katoto d’yan sa peryodiko—