Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2005

Halimbawa

NAKAHILIGAN ni Haring Bhumibol ng Thailand na mag-alaga ng orchids sa pagpihit ng dekada 1970. Sa gitna ng salit-salitang agaw-renda sa gobyernong sibil ng mga estudyante at militar sa Bangkok sa maliyab na yugto ng kanilang kasaysayan, unti-unting umusbong ang mga inarugang orchids ni Haring Bhumibol. Nahawa ang sambayanan sa tiwasay na halimbawa ng kinikilalang pinuno-- maraming nagkahilig sa pagkutkot ng mapagtatamnan ng orchids. Nag-alaga rin sila. Hindi lang orchids ang lumago. Hindi pa man pumapasok ang dekada 1980, pumagitna na ang Thailand bilang lider ng cutflower industry sa Asia. Nagsimula nang makipaggitgitan sa Holland at Israel sa ganoong negosyo. Naitanan pa nga mula Davao ang ilang punla ng waling-waling, itinuturing na pinakamarikit na reyna ng Philippine orchids. Pakay ng mga Thai: gagawing palahian. Kamukat-mukat: mahigit yatang 20 anak at apo ng Vanda sanderiana ang nailuwal ng mga Thai orchid breeders para maisalang naman sa pandaigdigang pamilihan.

An eyeful of bygone sights

THIS sight is gone. From Rizal Avenue to a vanishing point somewhere in Tondo in the 1960s, the middle portion of parallel railroad tracks teemed with sampaguita bushes. Pearl-like buds culled off those bushes were strung into fragrant leis and peddled for a pittance by urchins and elders in the streets of Manila’s Sta. Cruz district and beyond. Off a section of an extant Highway 54—renamed since as Epifanio de los Santos Avenue – was a sight that must have been torn off a Claude Monet canvass: a stretch of urban waterway alongside the San Andres rail tracks trenchant with saba bananas, water lilies and lotuses in a serene blast of foliage and petals. That sight is gone. Gone too: Gardens and plant shops a-bloom with rainbow colors anytime of year once hogged both sides of the railroad tracks from Makati to the once-pastoral parts of Muntinlupa, on to the more bucolic precincts of San Pedro, Laguna. Those were sights that somehow effused beauty—gone all of them. Claptrap str

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, may erectile dysfunction

IBINALIBAG ng isang mahilig sa habalakibur@hotmail.com – electronic mail address ko ‘to – ang mga larawan ng umaatikabong pakikipagdaupang-ari ng isa umanong Ethel Booba. Alumpihit na bumalikwas ang kung ano sa ulunan. Linawin natin-- ulo sa dakong itaas, hindi dakong ibaba. Agad na binalikan ang nagpadala ng kumakatas-katas na kalatas. ’Kako’y kapag pumalo na ang tulad ko sa edad-50, kailangan nang hindi makita. Kailangan nang may taga-bulag sa balana. Mas kailangang ituon ang punyagi sa sariling gawain kaysa isubsob ang pansin at paningin sa pangitaing kikilig o titimo -- h’wag naman masyadong ipagdiinan ang unang dalawang pantig ng mga naturang pandiwa—sa tuktok at kuyukot. I sure splurge on tons of steamed manioc ( Manihot esculenta or plain old balinghoy) as cheap source of glucose to keep the gray matter fully stoked to a blaze. Manioc extract also turn up distilled as old-time favorite ginebra bilog ang mundo na kahugis ng what a hind sight of JLo—and that keeps parch

Umaganda

TOUGH it is on the eyes to even try a glaring match with the sun— but it’s the strange way not-so-in-synch with this world with which a world-famous chap caps his serene celebration of each morning. He never fails at such a celebration. He does it religiously whether it’s a balmy, stormy, tsunami or any simply rotten day. He starts it at five o’clock. It’s rise and shine plus ablutions with lukewarm tap water on a basin. Oh, his toothbrush is of pig bristles. It’s quite sturdy. He daubs it with salt, yes, plain old table salt, probably sodium bicarbonate or baking soda. He does a brisk brushing on his—uh-oh-- dentures that got a full night’s dip sleep in a glassful of water. He’s dentally deranged, so what? The teeth are hard, they fall away. The tongue’s soft, it stays and gets to explore a lot of finger-lickin’ warm wetness, ehek , goodness. Ablutions accomplished, he heads to a chapel of sorts—actually a shrine to the gods where he does his quiet time. The pathway to t

Manok, manok, manok…

NAIKUMPISAL ng pumanaw na pintor-eskultor Inday Cadapan ang kanyang. taka’t mangha. Mabilis daw ang pagbulas ng kanyang apong dalaginding-- pati mga kaedad nito na kahit hindi pa man namumuro sa pagsalunga sa edad ‘Daisy’ meron nang buwanang ‘dalaw’. Peligro nang mabuntis. Kahit edad-11 lang ang bata, parang hinihipan ng kung anong hangin ang katawan. Maaga ang paglapad ng balakang. Maumbok na ang hugis ng tumbong—parang makatas na tapyas ng marka demonyo na bilog ang mundo. Kambal na murang milon ang tindig ng dibdib—sabihin pang higit na katakam-takam ang kabataan ngayon kaysa noon. May bakas ng pagtutol at pangamba si Inday sa mga namamalas na pagbulas. Ganito ring panahon nitong 2003 nang magkausap kami sa kanyang atelier-workshop sa Antipolo. Lampas na siya sa edad-60 noon. Naipihit niya ang kanyang sipag at sigasig sa sining sa mga gawaing pangkabuhayan at kaalaman na maisasalin sa mga pamayanan. Anupa’t humahalimuyak ang hinahalukay na gata’t malagkit sa kawa sa isang