Skip to main content

Tirador

KINILALANG tirador ng tinambangang mataas na pinuno ng NAIA ang isang Waray mula Leyte. Tinambangan ang naturang pinuno sa isang subdivision sa ParaƱaque City.

Batay sa pahayag ng isang saksi sa hiwalay na pananambang sa Anda Circle, Bonifacio Drive sa Port Area ng Maynila, ang naturang Waray pa rin ang bumaril sa isang collector ng Bureau of Customs.

Nadakip ng pulisya ang tirador sa Taguig, may limang milya ang layo sa kanyang tirahan sa Pasay City. Namamasukan siya bilang makinista. Kumikita marahil sa ganoong kayod—pero tiyak na hindi sapat.

Inihayag ng pulisya na natuklasan din nila na may nakabimbin pang kontrata ang tirador. Isa pang malaking tao ang nakatakdang birahin ng tirador. Presyo ng hindi natupad na kontrata: P2,500,000.

May kahirapang subaybayan ang pagkilos ng ganoong batikan. Nakapako ang kanyang lungga sa isang lunan. Pero hindi nakapako ang lawak na kanyang kinikilusan— nakasaklaw mula lima hanggang 20 milya o higit pa ang kalawakang ginagalugad niya.

Mapapansin na halos ganoon din ang lawak na saklaw sa paninila ng limbas, lawin o alinmang ibong mandaragit. I’d call that expansive. That’s far-reaching. The range of operational movements speaks of a ranger. A reaver. A predator seeking prey.

Marahil, pagbalik-tanaw ang ganoong pamumuhay sa nakalipas na kasaysayan. Bago sumilang ang lipunang batay sa sakahan, umiral ang tinatawag na yugto ng pananalapsap at pangangaso sa kalawakan ng ginagalugad na lupain. Mas malawak ang gagalugarin, mas malaki ang pagkakataon na makahagip ng pagkain at pantustos sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Babangon naman ang isang katotohanan mula kinesiology: matutukoy ang katangian ng pamumuhay sa katangian ng pagkilos. Sabi nga, the quality of your movement determines the quality of your life.

Karaniwang hindi lalampas sa limang metro ang maituturing na operational sphere ng talangka. Hindi kasi ito predator o mandaragit. Scavenger o mangungurakot lang. Kaya hindi talaga malayo ang saklaw na gagalugarin nito.

Ang totoo nito, naghihintay lang ang talangka sa darating na detritus-- layak o mga pira-piraso ng pagkaing nakaanod. Idiin natin ang operative quality sa buhay ng talangka: naghihintay.

Akma ang gawi at gawa sa pamumuhay ng talangka sa diskarte ng mga maghapon at magdamag na nakatunganga.

Naghihintay na dumating ang kapalaran.

Naghihintay na may mangyari sa kanilang buhay.

Naghihintay.

Naghihintay na dagitin ng mga mandaragit para magkaroon ng kahit katiting na kabuluhan ang paghihintay.

Untag ni Doctor Seuss sa mga kabataan sa isa niyang tula-- Oh, the places you’ll go if you’ll only go. Kapag kumilos ka’t humakbang, tiyak na may tagumpay na patutunguhan.

Nakalakihan na ang malawak na pagkilos—mula karaniwang gala hanggang sa tahasang galugad – sa isang bayan sa Nueva Ecija. Kasa-kasama ang kapwa musmos na maghahagilap ng maiuuwing santaling palaka, bulig, liwalo, sulib, lukaok o kahit tugui, ubag at pungapong para sa hapag-kainan.

Lima hanggang 10 milya yata ang naiikutang lawak sapul sa pagputok ng araw hanggang sa magtakip-silim. Walang nasayang na sandali sa mukmok at tunganga. Tila hangin na hindi maigapos ng kahit sandaling pangingipuspos at panlulumo.

Sapin-sapin yata ang tumubong kalyo sa paa. Kaya kahit walang tsinelas, ni hindi na maramdamang pulos diliwariw, makahiya’t kawit-kabag na pala ang parang na ginagalugad.

Naiwan sa naturang lalawigan ang mga kapwa uhuging musmos na sumuong sa buhos ng unos sa nagdambuhalang ilog. Pero tinaglay nila ang katangiang ganoon. Mapaggalugad. Mapaghanap ng pagkakakitaan. May mga nagsundalo. May mga naging taong-labas. May namasukan sa mga pagawaan sa kalunsuran. May mangilan-ngilang nanatili sa pagbubukid at paminsan-minsang pagbira ng kontrata. Pandagdag sa kita.

Ah, those fellows are mild-mannered. Soft-spoken, too. Madaling kausapin. Ganoon yata ang isa sa mga pinakamatingkad na katangian nila. Hindi aakalain na nakabahid ang dugo sa mga landas na kanilang ginalugad.

Malakas ang kutob: ang tirador na kasangkot sa ilang high-profile hit contracts, kaugali siya halos ng mga naging kababata sa naturang bayan sa Nueva Ecija.

May kaalaman at kakayahan sila—pero karaniwang hindi sapat ang kita kahit ibayo ang sikap at sipag. Ganito kalupit ang lagay ng pamumuhay sa bansa.

Kaya sila marahil napipilitan sa pagkapit sa, ah, karaniwang kalibre .45 ang kanilang isinasalang sa mahahagip na kontrata.

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal